SINAMPAHAN ng kasong kriminal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Soccsargen ang vlogger na si Ryan Parreno at kasamahan nito na inakusahan ng “maltreatment” sa Philippine tarsier matapos hulihin nito at ginamit na content sa kanyang viral video ang naturang endangered species sa Molopolok, South Cotabato.
“For the information of the public…we filed a criminal case against Ryan Parreño and Sammy Estrebilla for violation of Section 27, paragraphs (f), and (h) of RA 9147 or the Wildlife Act of 2001 in relation to Section 20, paragraphs (a), and (b) of RA 7586, as amended by RA 11038 known as the Expanded National Integrated Protected Areas System (E-NIPAS) Act of 2018,” ito ang ipinahayag ni DENR-Soccsksargen chief Felix Alicer sa kanyang statement sa official Facebook page.
“Our evaluation disclosed that a crime has been committed…. The filing of the case against the violators is an action taken so that the citizens would not imitate the disturbing same acts,’ ayon kay DENR-Soccsksargen chief Felix Alicer.
Ang naturang krimen aniya ay nakasaad sa RA 9147 na ipinagbabawal ang pagkolekta, hunting, o pag- possess sa wildlife, maltreating o inflicting other injuries.
Si Estrebilla ay kasama ni Parreño nang kinunan nila ang viral video sa Barangay Maligo, Polomolok na bayan sa South Cotabato.
Sa naturang video, ipinakita ni Parreño si Estrebilla na dinampot ang dalawang tarsiers mula sa kagubatan at ginamit na content. Deleted na ngayon ang video na naging viral sa social media noong Miyerkoles, April 10. Umani ng batikos ang dalawang vloggers mula sa netizen sa naturang video.
Ayon sa Philippine Tarsier Foundation, ang mga tarsier umano ay mag ina. “Seeing the tarsiers, a mother and a baby, being harassed helplessly at their very fragile state brings up unspeakable frustration. We are with the sentiments of the people,” ang nakasaad sa pahayag ng foundation.
“Using animal harassment for content for the sole purpose of social media clout puts not just endangered species but all animals in danger. We commend the swift action of DENR,” ang dagdag pa ng naturang grupo.
Noong July 3, 1997, nilagdaan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos ang Presidential Proclamation No. 1030, na kung saan idinedeklara ang Philippine tarsier bilang “Specially Protected Faunal Species of the Philippines.”
Ayon sa Animal Diversity Web ng University of Michigan Museum of Zoology, ang Philippine tarsier ay karaniwang naninirahan sa rainforests. Ang naturang species ay naatagpuan lamang sa isla ng Samar, Leyte.
Marami sa mga tarsier ang nasasawi sa loob lamang ng isa o ilang araw kapag ikinulong o pinatira in captivity sa “unhealthy” cages. MA. LUISA GARCIA