SUMANDAL ang Brazil sa kanilang blocking upang maitakas ang straight-set win kontra China kahapon. VOLLEYBALL WORLD PHOTO
Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
11 a.m. – China vs Canada
3 p.m. – Slovenia vs Netherlands
7 p.m. – Japan vs Poland
NAPANATILI ng Poland ang kanilang unbeaten run sa Volleyball Nations League Pasay City leg makaraang walisin ang Canada, 25-21, 25-23, 27-25, kahapon sa Mall of Asia Arena.
Nakahabol ang Poles mula sa16-20 deficit sa extended third set upang biguin ang Canadians.
Nagtala si Norbert Huber ng 4 blocks para sa 11-point outing habang gumawa rin si Kamil Semeniuk ng 11 points, kabilang ang 2 blocks, upang pangunahan ang Poland, na umaasang maku- kumpleto ang four-match sweep sa Week 3 kontra Japan ngayong alas-7 ng gabi.
“At the start, it was really difficult and tight.
Every game, we choose to play with different sets of starters. For us, it’s also something new. It was a tough game, but the important thing was that we got the win and the three points,” wika ni Lukasz Kaczmarek, muling naging starter sa pagkakataong ito kapalit ng best player sa kanilang huling laro na si Wilfredo Leon at nagbigay rin ng 10 points para sa Poles.
Umangat ang Poland, na magiging host sa eight-team VNL Finals sa July 19-24, sa solo second na may 9-2 record, sa unahan ng third-running United States na may 8-2 record.
Nagpakawala si Samuel Cooper ng 3 service aces upang tumapos na may 19 points, habang nagdagdag si Arthur Szwarc ng 16 points, kabilang ang 2 blocks, para sa Canada.
Sa unang laro, tinapos ng Brazil ang kanilang Pasay City campaign sa 25-19, 25-17, 25-17 pagbasura sa China at nasplit ang kanilang apat na laro sa Pilipinas.
Ang dating Olympic at VNL champion Brazil ay nan- gailangan laman ng 66 minuto upang tapusin ang kanilang Week 3 stint na may 8-4 kartada sa VNL na inorganisa ng International Volleyball Federation (FIVB) at Volleyball World.
Nahulog ang Canadians at Chinese sa 2-9.
Nanguna para sa Brazilians si Felipe Moreira Roque na kumana ng 4 blocks bukod sa 12 hits at isang ace upang tumapos na may game-high 17 points.
Nag-ambag si Otavio Henrique Pinto ng 11 points habang nagdagdag sina Ricardo Lucarelli Souza at Adriano Cavalcante ng 8 at 7 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Brazil, na hindi na kinailangan ang sebisyo ng iba pa nilang aces na sina Henrique Honorato at Alan Souza.
“We have to improve. We have one week to prepare and to practice a lot,” sabi ni captain Bruno Mossa Rezende, na may 10 sets. “I think our counter at- tack has to be better. It’s something we didn’t do well this week but today was better.”