VNL PHOTO
MATIKAS na tinapos ng Germany ang kanilang kampanya sa 2024 Men’s Volleyball Nations League (VNL) kasunod na pagdispatsa sa Iran sa straight sets, 25-20, 25-23, 25-20, kahapon sa Mall of Asia Arena.
Nanguna si Moritz Karlitzek para sa Germans na may 21 points — 17 attacks, 2 blocks, at 2 aces — at tinapos nila ang torneo na may 5-7 record habang ang Iran ay may 2-10 marka.
Nagdagdag si Moritz Reichert ng 13 points habang umiskor sina Ruben Schott at Tobias Krick ng tig-4 points para sa Germany na bumawi mula sa four-set loss sa Team USA noong Sabado.
“We’re super happy that we finished the VNL this year for us with a victory and can go home with a good feeling,” pahayag ng 6-foot-3 outside hitter na si Karlitzek.
“Well, I can speak about the tournament here was perfectly organized. We felt really well and also playing in front of the crowd was amazing. The fans were all the time supporting us so we had a good time. Thank you for supporting us and making this event nice and well,” dagdag pa ni Karlitzek.
Nanguna si Amin Esmaeilnezhad para sa Iran na may 19 points habang nag-ambag si Poriya Hossein Khanzadeh Firouzjah ng 10.
CLYDE MARIANO