VOLLEYBALL DADALHIN SA KANAYUNAN

VOLLEYBALL-2

SA KABILA ng kawalan ng suporta mula sa Philippine Sports Commission (PSC) ay tuloy pa rin ang grassroots programs ng Philippine Volleyball Fe­deration sa hangaring mapalakas ang sport at mapalaganap ito sa kanayunan.

Sinabi ito ni PVF president Edgardo ‘Boy’  Cantada sa kanyang pagbisita sa TOPS Usapan Sports na ginawa sa National Press Club kung saan naging panauhin din sina SCUAA president Robert Melton Calo, at Anton del Rosario ng Azkals.

“Without PSC support, my grassroots programs continue because the main thrust of my administration is to promote and propagate volleyball in the countryside,” sabi ni Cantada.

Ayon kay Cantada, namimigay sila ng bola ng volleyball sa mga public school sa iba’t ibang lalawigan para mahikayat ang mga kabataan na mahilig sa volleyball at magsasagawa sila ng coaching seminar/clinic para i-update ang mga local volleyball official sa makabagong international rules sa volleyball.

“Ginagawa namin ito para matulungan ang mga kabataan at mga opisyal na maging familiar sa volleyball dahil sakaling may mga volleyball tourna-ment sa kanilang lugar, updated sila,” wika ni Cantada.

“Sa totoo lang I am spending my own resources to keep volleyball alive and go a long way because I dearly love volleyball as a sport,” ani Cantada

Dahil sa kanyang positibong volleyball programs, tumutulong ang Tanduay sa pamamagitan ni Bong Tan, anak ni sportsman/businessman Lucio Tan.

“Para ko nang kapatid si Bong. Tinutulu­ngan niya ako sa aking mga project,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Cantada na ang PVF ang kinikilala na tanging volleyball association sa Pinas.

“PVF is the legitimate volleyball association recognized by the International Federation,” aniya.

Naging miyembro ang PVF sa World Volleyball Association noong 1950 sa panahon ni Nemesio Yabut. CLYDE MARIANO

Comments are closed.