MAGIGING panauhin ang mga top official ng Philippine National Volleyball Federation Inc. (PNVFI) at ang ilan sa volleyball superstars sa special session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) webcast Forum ngayong Martes.
Sasamahan nina PNVFI President Tats Suzara, Vice President Arnel Hajan, at Board member Charo Soriano sina star players Alyssa Valdez, Aby Marano, at Jaja Santiago sa inaasahang mainit na talakayan na nakasentro sa Philippine volleyball.
Ang pagbisita sa 10 a.m. public sports program ay kasunod ng pagkilala ng International Volleyball Federation (FIVB) sa PNVFI.
Ang session ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at isini-share din ng Radyo Pilipinas 2 Facebook page.
Comments are closed.