MAAAPEKTUHAN ang isinasagawang voter registration sa dalawang linggong pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) simula sa Agosto 6.
Ito ang pahayag ng Commission on Elections (Comelec).
Iiral ang ECQ hanggang Agosto 20 sa ilang lalawigan sa bansa, kabilang na ang Metro Manila.
“The return of NCR to a state of ECQ will undoubtedly have an impact on voter registration numbers,” ayon kay Comelec Spokesman Dir. James Jimenez. Binanggit lang nito na sa ngayon ay lumagpas na sila sa itinakda nilang target ng bilang ng mga magpaparehistro sa kabila ng pandemya.
Sinabi ni Jimenez na higit apat na milyong bagong botante na ang nagparehistro at ang mga ito ay kabilang na sa mga makakaboto sa 2022 national and local elections.
Giit nito na abg mga ginagawang hakbang ng gobyerno ngayong nagpapatuloy ang pandemya ay para rin sa kaligtasan ng mamamayan.
Kapag binawi na ng gobyerno ang pinakamahigpit na quarantine restriction ay itutuloy nila ang pagpaparehistro sa mga bagong botante at ito ay hanggang sa Setyembre 30.
Comments are closed.