IPAGPAPATULOY na ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na buwan ang voter registration upang makapagparehistro ang mga botanteng nais na makaboto sa May 13, 2019 National and Local Elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, magtatagal lamang ang voter registration sa loob ng halos tatlong buwan o mula Hulyo 2, 2018 hanggang Setyembre 29, 2018 kaya’t dapat itong samantalahin ng mga botante.
Hindi naman magkakaroon ng voter registration sa Marawi City at Lanao del Sur dahil sa kasalukuyang sitwasyon doon.
“It is the duty of the Commission to conduct regular voter registration in order to enfranchise and enlist qualified voters nationwide, with the exception of Marawi City, Lanao del Sur in light of the current situation in the area,” ani Jimenez.
Sa pagpapatuloy ng voter registration, tatanggap ang Comelec ng mga aplikasyon para sa bagong rehistrasyon, transfer/transfer with reactivation, reactivation, change/correction of entry and inclusion/reinstatement of records in the list of voters shall be accepted.
Ang aplikasyon ay kinakailangang personal na isumite sa Offices of the Election Officers (OEOs) ng city/district/municipality kung saan nakatira ang aplikante, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, mula Lunes hanggang Sabado, kabilang ang araw ng holiday.
Plano rin namang magsagawa ng Comelec ng mga satellite registrations sa buong panahon ng pagtatala ng mga botante.
Sa ilalim ng satellite registration, ang mga field official ay magtutungo sa mga barangay, public plaza, mga paaralan, at iba pang pampublikong lugar, para magrehistro ng mga botante, upang hindi na mahirapan ang mga indigenous people (IPs), senior citizen, at mga buntis na magtungo pa sa Comelec offices upang magpatala. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.