VOTER REGISTRATION SA MGA MALL DINAGSA

DINAGSA ng maraming tao ang  pag-arangkada ng voter registration sa mga mall sa Kamaynilaan nitong Sabado.

Binuksan ng Commission on Elections ang voter registration sa mga lugar na naka-modified enhanced community quarantine tulad ng National Capital Region kasama ang  Robinsons  Malls, Ayala Malls, at SM Supermalls upang makahabol  ang mga ap-likante  habang papalapit na ang deadline sa Setyembre 30.

Tiniyak naman ng mga security ng mall na nasusunod ang physical distancing sa lugar.

Puspusan ang pagpapaalala sa pagpapaalala ang mga guwardiya para sa  magpaparehistro na sundin ang distancing protocols para makaiwas sa COVID-19.

Bukas ang 37 branches ngRobinson malls sa buong bansa para sa voter registration ng Comelec.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, umabot na sa limang milyon ang bagong registrants, mas mataas sa inaasahang bilang na apat na milyon.

Nasa  62 milyon na ang mga rehistradong botante sa bansa para sa halalan sa Mayo 2022.

4 thoughts on “VOTER REGISTRATION SA MGA MALL DINAGSA”

Comments are closed.