SINUSPINDE na muna ng Commission on Elections (COMELEC) ang isinasagawang voter registration sa bansa para sa May 2022 elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, nagpasya ang poll body na suspendihin ang voter registration dahil na rin sa lumalalang banta sa public health ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Aniya, sisimulan ang suspensiyon sa pagtatala ng mga botante ngayong Marso 10, Martes at magtatagal ito hanggang sa Marso 31.
“Important announcement: As a response to the growing threat to public health posed by #COVID-19, #VoterReg2020 has been suspended by the @Comelec, until the 31st of March, 2020,” anunsiyo ni Jimenez, sa kanyang Twitter account.
Kasabay nito, pinapayuhan ng Comelec ang publiko na maging vigilante at maging maingat upang hindi dapuan ng COVID-19. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.