HINILING ni Senador Bam Aquino sa Department of Budget and Management (DBM) na ilabas na rin ang karagdagang suweldo para sa mga kawani ng pamahalaan kabilang na ang mga public school teacher makaraang aprubahan nito ang umento sa mga tauhan ng government owned and controlled corporations (GOCCs) at local government units (LGUs).
“Nagpapasalamat kami at parang unti-unti ay gumagawa na ng aksiyon ang DBM para ma-release na ang last tranche ng salary increase,” ani Aquino.
“Pero nalulungkot din kami dahil kawawa naman ang mga public school teacher at kawani ng gobyerno dahil bigo pa rin silang makuha ang na-katakdang umento,” dagdag nito.
Kaya’t pinayuhan ni Aquino ang DBM na huwag isantabi ang kapakanan ng mga manggagawa ng pamahalaan at mga guro sa pampublikong paar-alan dahil sila rin ay nabibigatan sa mataas na presyo ng pagkain at iba pang bilihin.
“Hindi sila dapat maetsapuwera sa dagdag-suweldo dahil matindi rin ang pangangailangan nila sa taas ng presyo ng mga bilihin ngayon,”giit ng se-nador na umaasang ibibigay na ng DBM ang huling bahagi ng umento sa sahod sa ilalim ng Salary Standardization Law (SSL).
Gayundin, inulit ni Aquino ang panawagan sa DBM na gamitin ang Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) para sa umento sa sahod ng mga manggagawa sa pamahalaan.
“Ilang beses na nating sinabi na maaaring gamitin ng DBM ang MPBF para sa umento sa sahod ng ating mga manggagawa sa gobyerno. Ano ba ang pumipigil sa kanila para gawin ito?” diin ng senador.
Kamakailan, isinumite ni Aquino ang Senate Resolution bilang 982 na nagpapahayag ng damdamin ng Senado na maaaring gamitin ng DBM ang MPBF para ibigay ang dagdag na sahod para sa mga empleyado ng gobyerno.
Sa naturang resolusyon, iginiit ni Aquino na awtorisado ang DBM na ilabas at gamitin ang MPBF para sa umento ng manggagawa sa gobyerno, kahit wala nang pagsang-ayon ng Kongreso.
Sumang-ayon naman ang iba pang miyembro ng oposisyon, kabilang sina Minority Floor Leader Franklin Drilon, Francis Pangilinan, Antonio Trillanes, Leila de Lima at Risa Hontiveros na pumirma sa naturang resolusyon. VICKY CERVALES
Comments are closed.