SINIMULAN na ng Department of Finance (DOF) ang pamamahagi ng unang bugso ng P51-billion wage subsidy program para sa middle class workers na inempleyo ng maliliit na negosyo na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
“In fact po, nag-umpisa na po ang pag-distribute kahapon. One day, in advance,” pahayag ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino.
“Nag-transmit na po through various bank accounts kasama ang mga remittance options. Nag-umpisa po ‘yan kahapon at tuloy-tuloy ang first round hanggang May 15,” ani Lambino.
Nasa P5,000 hanggang P8,000 ang wage subsidy ng gobyerno para sa eligible worker base sa monthly regional minimum wage.
Ang unang bugso ng subsidiya ay ipagkakaloob mula May 1 hanggang May 15, 2020, habang ang ikalawa ay mula May 16 hanggang May 31, 2020.
Pinalawig ng DOF ang application period para sa Small Business Wage Subsidy (SBWS) program hanggang May 8.
Ang orihinal na application period ay mula April 16 hanggang April 30, 2020, subalit dahil sa technical issues sa website ng Social Security System’s (SSS) ay pinalawig ang deadline.
Comments are closed.