NAGMISTULANG reunion ng dating mag-asawang Derek Dee at Melanie Marquez ang katatapos na coronation night ng Miss World Philippines 2019 na ginanap sa Araneta Coliseum last Sunday ng gabi, Sept. 15.
Suportado nina Melanie at Derek ang kanilang anak na si Michelle Dee na siyang tinanghal na Miss World PH 2019.
Sa naturang event ay nilapitan ni Derek si Melanie pagkatapos ng coronation para kamayan at walang nangyaring beso-beso na ini-expect ng ilang press na nag-cover ng event dahil pareho nilang kasama ang kani-kanilang mga asawa.
Nasa event ang American husband ni Melanie at ilan sa kanilang naging anak. Kasama naman ni Derek ang kanyang misis.
Masayang-masaya ang dating mag-asawang Melanie at Derek sa pagkapanalo ng kanilang anak. Pero napuna ng ilang press na mas tensyonado si Derek mula umpisa ng contest hanggang sa i-announce na kung sino ang tatanghaling Miss World Philippines 2019.
Madalas nga raw lumabas si Derek na hindi raw mapakali dahil sa nararamdaman nitong tension sa kalalabasan ng contest.
Bago pa maganap ang pagsali ni Michelle Dee sa naturang beauty contest ay nakausap na namin si Derek sa kanyang tahanan at nasabi nga nito ang balak ng anak nila ni Melanie na sasali sa beauty pageant.
Doon pa lang ay nandoon na ang suporta niya sa anak at nakiusap pa sa ilang press na kung maari ay bigyan ng magandang write-up at ibalita na sasali nga ito sa beauty contest.
Congrats Michelle Dee at kay Derek na sigurado ako na masayang-masaya na hindi sila nabigo na sundan ang yapak ng kanyang ina na former beauty queen din.
82 YEAR-OLD ACTRESS KINABOG ANG MGA KALABAN SA PPP
KINABOG ng 82 years old actress na si Angie Ferro ang mga nakalaban sa kategoryang Best Actress sa pagganap niya sa pelikulang “Lola Igna” sa ginanap na Gabi ng Parangal ng Pista ng Pelikulang Pilipino last Sunday evening, Sept. 15.
Wala namang nagtaas ng kilay dahil halos lahat ay natuwa pa sa pagkapanalo ni Miss Angie, hindi dahil deserved niyang manalo, kundi dahil naka-wheelchair na ang veteran actress.
Lahat ay nagsipalakpakan nang tawagin ang mga nominado na sumang-ayon sa pagkapanalo ni Miss Angie.
Sinabi niya sa kanyang speech, sa tagal na niya sa showbiz industry, kahit kailan ay hindi siya naging leading lady sa anumang pelikulang kanyang ginawa.
Katunayan ay sa theater lang daw siya nagiging big star sa tuwing ginagawa siyang leading lady sa kanilang play.
Samantala, tinalo naman ni Martin del Rosario ang dalawa niyang kasamang lead actor sa kanilang pelikulang Panti Sisters nang tanghaling Best Actor.
Nangangahulugan lang na mas magaling siya sa dalawang kasama. Pero sa kanyang speech, ibinahagi niya ang natanggap na award sa lahat ng bumubuo ng kanilang pelikula, lalo na kina Paolo Ballesteros at Christian Bables.
Nauwi naman ni Tuesday Vargas ang Best Supporting Actress sa pagganap niya sa pelikulang “LSS” at sa kanyang speech ay pinagdiinan niya na isa siya sa pinakamagandang actress sa balat ng showbiz nang magpasalamat sa kanyang natanggap na karangalan.
Ang movie naman ng magkasintahan na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ang tinanghal na Audience Choice.
Congratulation sa iba pa nagwagi sa Gabi ng Parangal ng PPP.
Comments are closed.