WALA PA RING MAKATIBAG SA ALDUB

ALDUB

TODAY, July 16, 2018, ang third anniversary ng phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maineshowbiz eye Mendoza and nakatutuwa naman na for the last three years, wala pa ring makatibag sa popularity ng kanilang loveteam na nagsimula noong Hulyo 16, 2015, nang una silang nagkita sa Kalyeserye ng “Eat Bulaga,” on split-screen.

Si Alden ay mainstay na ng EB at nasa Broadway studio at si Maine ay nasa barangay as Yaya Dub, kasama ng mga lolas na sina Lola Nidora (Wal-ly Bayola), Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo). Doon nakita ang first smile ni Yaya Dub na masungit ang ipinakikita sa screen.  Hindi malilimutan ang 41 million tweets nila sa Guiness World Record na wala pa ring nakatatalo hanggang sa ngayon sa kanilang “Tamang Panahon” sa EB na ginanap sa Philippine Arena, ang pinakamalaking arena sa bansa.

And the rest is history na para sa AlDub loveteam.  Kaya nga ba may nagsabi na hanggang sa ngayon ang AlDub daw ang biggest nightmare ng isang network?

Marami na ring pi­nagdaanan ang magka-love team, ang mga bashing na natatanggap nila sa mga ayaw silang patahimikin, pero sina Alden at Maine, hindi nila ito pinapansin, ginagawa lamang nila ang lahat para mapasaya ang kanilang fans.  Suportado rin sila ng JoWaPao at ng mga Dabarkad ng EB.

And to make their 3rd anniversary special, naka­balik na si Alden mula sa taping niya ng “Victor Magtanggol” abroad sa labis na kasiyahan ng Al-Dub Nation (ADN).  May  special Holy Mass sila at 8:00 am today para kina Alden at Maine to be officiated by Fr. Jeff Quintela na malaki rin ang kaugnayan niya sa AlDub at ADN. Ano naman kaya ang special celebration na inihanda ng “Eat Bulaga” para sa ADN?

Congratulations and happy 3rd anniversary to Alden Richards and Maine Mendoza!

DALAWANG SERYE SA GMA SISIMULAN NGAYONG LINGGO

DALAWANG bagong teleserye ang sisimulan ng GMA 7 this week.  Mauuna ngayong tanghali, bago ang “Eat Bulaga,” ang family drama na “Ka-pag Nahati Ang Puso” na magtatampok sa dalawang aktres na nagbabalik-Kapuso, sina Sunshine Cruz at Bing Loyzaga.

Kapana-panabik ang mga eksena sa pagitan nina Sunshine as Rio Matias at Bing as Miranda na may dahil sa lalaking pareho nilang minahal, si Zor-en Legaspi as Nico del Valle.  At si Bea Binene as Claire, na anak nina Rio at Nico, ay hindi alam ang totoo tungkol sa pagkatao niya dahil lumaki siya kay Miranda na naging malupit sa kanya dahil hindi naman siya tunay na anak.

At ang papasok pang problema, makikilala ni Claire si Benjamin Alves as Joaquin. Pero darating ang oras na malalaman din niyang ang lalaking mi-nahal niya ay ang lalaki ring mahal ng hindi niya nakikilang ina.

Mula sa direksiyon ni Gil Tejada, Jr., mapapanood ito 11:30 ng umaga.

Comments are closed.