“Walang gamitan at alam iyon ni Maine” — Sylvia Sanchez

Umalma si Sylvia Sanchez sa akusasyon sa kanyang anak na si Arjo Atayde na ginagamit nito ang girlfriend na si Maine Mendoza para umangat ang kanyang career. Aniya, kahit si Maine ay sumama ang loob sa natatanggap na pambabatikos ng pamilya ni Arjo.

Pero pinagtatawanan daw lamang nila ito dahil alam naman nilang lahat ang totoo. Humingi na raw sa kanila ng pasensya si Maine pero balewala sa kanilang lahat ang batikos na ito. Pero hindi raw kailangang humingi ni Maine ng pasensya dahil wala naman siyang kasalanan kuyng malisyosa mga ang mga bashers. Mas mahalaga raw sa kanilang lahat na maayos ang relasyon nina Maine at Arjo.

Hindi ito ang unang pagkakataong umapela si Sylvia para sa dalawa, dahil noong 2019, may mga nagbabanta pa nga kay Arjo na mga die-hard fans of AlDub. Alam naman nating si Alden Richards ang talagang ka-love-team ni Maine sa GMA-7.

Sa ngayon, may plano nang magpakasal ang dalawa ngunit wala pang eksaktong date. / KNMartin

 

Ruffa Gutierrez hindi nagsisising minahal si Bektas

Walang pagsisisi si Ruffa Gutierrez na nagpakasal at nakipaghiwalay siya sa ex-husband na si Turkish businessman Yilmaz Bektas.

Ayon sa actress, mapait ngunit masaya rin naman ang naging relaston niya sa dating asawa at marami rin siyang natutuhan sa pangyayaring ito.

Mula 2007 ay naging single mother na siya kina Lorin at Venice. Dalaga na ang mga ito ngayon at napakagaganda, mana sa ina. Wala na raw siyang planong mag-asawa uli dahil kuntento na siya sa buhay niya ngayon, ngunit hindi naman niya isinasara ang pintuan kung ay darating man uling pag-ibig. /KNM

 

Anne Curtis to conquer digital stage in comeback concert

Magbabalik si Anne Curtis sa limelight  sa isang documentary concert matapos ang dalawang taong pamamahinga. Ang docu-concert na pinamagatang “Luv-ANNE,”  ay isang livestream event na gaganapin sa April 30.

Excited naman dito ang mga kaibigan niyang artista lalo na sina Angel Locsin, Chie Filomeno at Chynna Ortaleza. At syempre, pati ang mga fans niya.

Dalawang beses nang nag-concert si Anne at napuno talaga niya ang venue. Ang huli ay noong 2014, ang “The Forbidden Concert Round 2: Annekapal,” na dinumog rin ng tao.

Namahinga si Anne sa lahat ng showbiz activities noong 2019 ilang buwan bago siya nagsilang ng anak nila ni celebrity chef Erwan Heussaff, na si baby Dahlia. Sa Australia siya nanganak at doon na rin namalagi. Noong February 2021 lamang sila bumalik sa Pilipinas. KNMartin