WALANG KAYOD NA PINOY NABAWASAN (7.9M noong Setyembre – SWS)

BUMABA ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa 7.9 milyon noong September 2023, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumabas sa survey na isinagawa mula Set. 28 hanggang Okt. 1 na ang adult joblessness rate ay bumaba sa 16.9 percent mula 22.8 percent noong  June 2023 o tinatayang 10.3 million adults.

Ang mga Pinoy na walang trabaho ay kinabibilangan ng mga boluntaryong umalis sa kanilang dating trabaho, naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon, o nawalan ng trabaho dahil sa economic circumstances na wala na sa kanilang kontrol o na-retrench.

Ayon sa pollster, ang 5.8-point decline sa national joblessness rate ay sanhi ng pagbaba sa joblessness rate sa lahat ng lugar, partikular na pinakamataas sa Balance Luzon sa 20.8 percent, kasunod ang Metro Manila sa 19.2 percent, Mindanao sa 12.4 percent, at Visayas sa 12.2 percent.

Lumabas sa September 2023 survey na ang adult joblessness ay bahagyang mas mataas sa urban areas sa 18.0 percent kumpara sa rural areas sa 15.7 percent.

Kumpara noong June 2023, ang urban joblessness ay bumaba mula  24.7 percent, habang ang rural joblessness ay bumagsak mula  21.0 percent.

Ang unemployment ay pinakamataas sa mga may edad 18 hanggang 24 sa 34.4%, sumusunod ang mga may edad 25 hanggang 34 sa 22.7%, 35 hanggang 44 sa 16.5%, at mga may edad 45 at pataas sa 11.9%.

Pinakamataas din ang unemployment sa college graduates sa 25.6%, kasunod ang junior high school graduates sa 19.1%, elementary graduates sa 14.5%, at non-elementary graduates sa 3.1%.