KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy na nadamay sa naganap na malaking sunog sa kagubatan sa Amerika.
Ayon sa DFA, walang napaulat na Pinoy na naapektuhan sa forest fire incidents sa nasabing bansa.
Nauna nang inireport na mayroong 24 katao ang namatay sa naganap na napakalaking forest fire sa Los Angeles, California.
Sa pamamagitan ng embahada sa nasabing bansa ay patuloy na makakatanggap ang DFA ng mga up-to-date information para sa mga kababayan.
“The DFA wishes to refer the public to the advisories released by Philippine Foreign Service Posts with jurisdiction over affected areas—Philippine Consulate General in Los Angeles and the Philippine Consulate General in San Francisco—for up-to-date information and necessary assistance. ” pahayag ng DFA. LIZA SORIANO
Comments are closed.