BANTAY sarado sa Department of Trade and Industry (DTI) ang presyuhan ng Noche Buena items salig sa 2019 suggested retail price (SRP).
Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa mga pribadong kompanya mula pa noong isang bu-wan upang masigurong walang pagtataas sa presyo ng mga pangunahing pangangailangan at Noche Buena products.
Aniya, tiniyak naman ng mga manufacturer ng Noche Buena items na pananatilihin nila ang kanilang presyuhan sa kabila ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic.
Nabatid na bumilis sa 3.3% ang inflation rate sa bansa nitong Nobyembre mula sa 2.5% noong Oktubre ngayong taon, at sa 1.3% na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Comments are closed.