PINALAWIG pa ng Meralco ang September 30 na grace period sa pagba bayad ng bill sa koryente hanggang sa October 31.
Ibig sabihin, walang disconnection notice na matatanggap ang mga customer na hindi makakapagbayad ng kanilang bills hanggang sa katapusan ng buwan ng Oktubre.
Sinabi ito ni Meralco President and CEO Atty. Ray Espinosa sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa biglang pagtaas ng singil ng Meralco sa gitna ng pandemya.
Sinabi ni Espinosa na pinalawig pa nila ang grace period para bigyan ng sapat na panahon ang mga customer na makapag-settle ng kanilang obligasyon sa Meralco.
Tiniyak naman ni Meralco Senior Vice President William Pamintuan na hindi agad-agad ang disconnection ng koryente pagkatapos ng Oktubre dahil magbibigay pa rin sila ng grace period dito.
Samantala, aabot naman sa P2.84 billion ang ‘bill relief’ na naibigay umano ng Meralco sa kanilang mga customer. CONDE BATAC
Comments are closed.