WANGS SOLO LEADER SA D-LEAGUE

Mga laro sa Martes:
(Ynares Sports Arena, Pasig)
11 a.m. – Builders Warehouse-UST vs CEU
1 p.m. – AMA Online vs Apex Fuel-San Sebastian
3 p.m. – Adalem Construction-St. Clare vs Marinerong Pilipino

ANTIPOLO — Binuhat ni Brent Paraiso ang Wangs Basketball @26-Letran sa 70-64 panalo kontra Marinerong Pilipino upang kunin ang solong liderato sa 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Center dito.

Naitala ng veteran guard ang anim sa huling walong puntos ng Knights at nakaiwas sila sa 17-point collapse upang manatiling walang talo sa tatlong laro.

“Brent is a champion player at the same time veteran, so talagang nag-rely kami sa kanya,” sabi ni assistant coach Rensy Bajar of Paraiso, na pinangunahan ang koponan na may 14 points sa 3-of-6 shooting mula sa rainbow country, 5 rebounds at 2 assists.

Isinalba ni Paraiso ang Wangs-Letran sa huling bahagi ng laro makaraang itabla ng 21-4 run ng Marinerong Pilipino ang laro sa 58, may 3:47 ang nalalabi.

Tangan ng Knights ang 62-60 bentahe sa huling 1:59, isinalpak ni Paraiso ang tres at nakumpleto ang tough and-one play upang bigyan ang kanyang koponan ng 68-62 kalamangan, may 36.4 segundo sa orasan.

Sa unang laro ay dinispatsa ng EcoOil-La Salle ang Centro Escolar University, 76-65.

Iskor:
Unang laro:
EcoOil-La Salle (76) — Austria 18, M. Phillips 12, Estacio 12, Manuel 9, Nwankwo 6, Galman 6, Blanco 3, Alao 2, B. Phillips 2, Escandor 2, Cortez 2, Buensalida 2.
CEU (65) — Santos 16, Santiago 13, Tolentino 11, Bernabe 9, Diaz 5, Balogun 4, Penano 4, Borromeo 2, Ancheta 1, Ferrer 0, Cabotaje 0.
QS: 21-17, 39-36, 52-50, 76-65.
Ikalawang laro:
Wangs-Letran (70) — Paraiso 14, Reyson 14, Monje 13, Sangalang 9, Javillonar 8, Caralipio 7, Bataller 3, Olivario 2, Tolentino 0.
Marinerong Pilipino (64) – Go 20, Gamboa 11, Gomez de Liano 10, Bonifacio 9, Carino 6, Nocum 5, Bonsubre 3, Pido 0, Agustin 0, Hernandez 0, Lacap 0, Garcia 0.
QS: 12-17, 31-23, 54-37, 70-64.