WANTED: 10K CONTACT TRACERS

CONTACT TRACING

Nangangailangan pa ng karagdagang 10,000 contact tracers ang Metro Manila.

Ito ay sa gitna ng patuloy na paglobo ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa rehiyon.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya, ang pagkuha ng karagdagang contact tracers ay alinsunod sa 1:800 ratio requirement ng World Health Organization (WHO).

Aniya, ang mga hinahanap na contact tracers ay kinakailangang nakapagtapos ng medical courses at criminology o di kaya  ay kasalukuyang nag-aaral ng mga  nabanggit na kurso.

Agad namang isasalang sa training sa local government academy o sa Philippine Public Safety College ang mga makapapasang aplikante.

Hinihimok naman ang mga interesado na magpasa ng kanilang transcript of record, application letter, NBI clearance, personal data sheet at drug test result. dwiz882

Comments are closed.