WANTED KUMASA SA MGA PULIS UTAS

patay

PATAY ang isang lala­king wanted sa Valenzuela City matapos maki­pagbarilan sa mga pulis na maghahain ng arrest warrant kontra sa kanya sa Caloocan City.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Carlito Gaces ang suspek na si Dominic D. Batin, ng Don Simeon St., Mapulang Lupa na hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela City Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Station Investigation Unit (SIU) Chief PCpt. Albert Juanillo Jr., tinungo ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS) team sa pangunguna ni PSMS Roberto Santillan, kasama sina PCpt. Jayson Arce, PCpl. Redentor Pellesco, PCpl. Raymond Buenaventura, PSSg. Salvador Estares, at PCpl. Maverick Jake Perez sa koor­dinasyon sa PCP-6 ang suspek sa Brgy. 167, Llano, Ca­loocan City dala ang warrant of arrest kontra sa kanya dahil sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Omnibus Election Code na inisyu ng RTC branch 285, Valenzuela City noong Hunyo 24, 2019.

Subalit nang aarestuhin na ito, dalawang beses umanong binaril ni Batin ang mga pulis ngunit hindi pumutok ang kanyang baril.

Dahil sa pangamba sa kanilang buhay, napilitang paputukan ng mga pulis ang suspek at nang masapul sa katawan ay itinakbo sa naturang pagamutan.

Napag-alamang ilang taon ang nakalilipas ay nasangkot din sa ilegal na droga si Batin. EVELYN GARCIA

Comments are closed.