WANTED NA KOREANO NASABAT SA NAIA

arestado

PARANAQUE CITY -NASABAT  ng Immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang papaalis na South Korean  na wanted sa kanyang bansa dahil sa pagkakasangkot nito sa cybercrime at illegal online gaming business.

Ayon sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kinilala ang suspek na si Ju Minhyeok, 23-anyos at nahuli ito sa NAIA Teminal1 noong Huwebes bago makasakay sa kanyang Aseana Airlines flight papuntang Incheon.

Nadiskubre ng immigration officer on duty ang kanyang pangalan sa listahan ng Interpol watchlist, na siyang naging sanhi upang ipagbigay alam sa South Korean authorities ang arrival nitong suspek sa  Seoul.

Agad na inaresto Ju ng Korean cybercrime investigation squad ng Busan Korea pagkalabas nito sa arrival area ng Korean Air port.

Ayon naman kay atty. Rommel Tacorda, BI-Interpol chief, si Ju ay wanted sa Korea dahil sa paglabag ng  national sports promotion act, ito ay may kinalaman tungkol sa pago-operate ng illegal gambling.

Dagdag pa ni Tacorda si Ju ay nakipagsabwatan sa kanyang kapwang Koreano sa pago-operate ng  iba’t ibang online gambling, kung saan tumatanggap ang mga ito ng taya o bets sa kanilang Korean customers sa pamamagitan ng websites.

Kakaharapin nitong suspek ang kasong kung tawagin sa Korea na ‘Deadpool’ na ayon pa kay Tacorda  may kaparusahan ng pitong (7) taon na pagkakulong.

Nakarating sa kaalaman ng BI ang Warrant of Arrest laban kay Ju na inisyu Busan district court noong April 11, na siyang dahilan upang mag-isyu ang Interpol ng red notice laban sa suspek. FROI MORALLOS

Comments are closed.