WANTED NA KOREANO NASAKOTE NG IMMIGRATION

NASAKOTE ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa tinatawag na ‘phishing’.

Kinilala ni Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Park Voram, 39-anyos na nadakip noong Miyerkules sa loob ng isang hotel sa Ortigas ng mga tauhan ng BI Fugitive Search Unit (FSU).

Ayon kay Morente, nahuli si Park sa tulong ng kanyang mga kababayan na naninirahan dito sa bansa at Korean Authorities upang panagutan ang kinakaharap nitong kasong paglabag sa Article 347-(1) Criminal Act of Korea.

Nakarating din sa kalalaman ni BI FSU Chief Rendel Sy na si Park ay mayroon standing Warrant of Arrest na inisyu ng Gwangju District Court sa South Korea.

Nabatid na si Park ay miyembro ng large-scale voice phishing organization sa kanilang lugar na nagkukunwari bilang loan officer sa isang financial institution at nakakulimbat ang mga ito ng apat (4) na bilyon KRW o mahigit sa P171 milyon.

Si Park ay pansamantalang naka-detine sa loob ng BI Warden Facility sa Bicutan Taguig pending sa kanyang deportation. FROILAN MORALLOS

118 thoughts on “WANTED NA KOREANO NASAKOTE NG IMMIGRATION”

  1. 246226 610926Check out our web site for details about securities based lending and much more. There is data about stock and equity loans as effectively as application forms. 428339

Comments are closed.