NAG-ALOK ang Golden State Warriors ng deal sa Los Angeles Lakers upang makuha si LeBron James sa trade deadline noong nakaraang linggo, ayon sa ESPN.
Sa inilarawan ng report na isang “clandestine 24-hour window” na kinabilangan ng owner-to-owner conversations, tinangka ng Warriors na kumbinsihin ang Lakers na pakawalan si James.
Gayunman ay kapwa hindi pumayag si James at ang Lakers sa blockbuster deal na itambal ang 39-year-old All-Star kay longtime rival Stephen Curry, ayon sa report.
Ayon sa ESPN, hinimok ni Warriors forward Draymond Green si team owner Joe Lacob na lumapit kay Lakers owner Jeanie Buss.
May ispekulasyon kamakailan na dismayado si James, ang NBA’s all-time leading scorer, sa L.A. at maaaring lumipat sa ibang koponan.
Pinabulaanan naman ito ng kanyang agent na si Rich Paul, at sinabing hindi sila naghahangad na ma-trade.
Si James ay may average na 24.8 points, 7.8 assists at 7.2 rebounds sa 49 starts ngayong season.
Nakatakda siyang maging starter sa kanyang ika-20 sunod na NBA All-Star Game sa Linggo sa Indianapolis.
Si James ay may $51.4 million player option sa kanyang kontrata sa Lakers para sa 2024-25 season. Mayroon siyang hanggang June 29 para magamit ang opsyon.