WARRIORS SA GAME 1

NAGBUHOS si Kevin Durant ng team-high 37 points at nag-ambag si Klay Thompson ng 28 nang kunin ng Golden State Warriors ang opener ng Western Conference finals at agawin ang home-court advantage sa pamamagitan ng 119-106 panalo laban sa Houston Rockets noong Lunes sa Toyota Center.

Habang si Durant ay nagsilbing midrange gunner, sa pagtala ng tatlong rebounds at isang assist,  nag-init si Thompson sa perimeter, sa pagbuslo ng anim sa 15 3-point attempts. Nagsasanib-puwersa ang dalawa sa tuwing maglulunsad ng rally ang  Rockets, at tinatapatan sina Stephen Curry (18 points, 8 assists) at  Draymond Green (5 points, 9 rebounds, 9 assists).

Nagdagdag si Green ng dalawang blocks at dalawang steals upang pangunahan ang depensa ng Golden State.

Nagtuwang sina Durant at Thompson ng 11 points at pinalawig ng Golden State ang tatlong puntos na kalamangan sa 76-70 sa kalagitnaan ng third quarter. Naitala ni Durant ang huling anim na puntos ng third bago naiposte ni Thompson ang unang pito ng fourth upang palobohin ang kalamangan ng Warriors.

Nanguna si James Harden para sa Rockets na may 41 points at 7 assists habang nagdagdag si Chris Paul ng 23 points at 11 rebounds. Gayunman, maliban kay Eric Gordon,  na umiskor ng 15 points mula sa bench, ang Rockets ay nakakuha lamang ng maliit na suporta mula sa kanilang role players.

Bumuslo ang Warriors ng 52.5 percent sa kabuuan at dinaig ang Rockets, 18-3, sa transition.

Magiging host ang Houston sa Game 2 sa Miyerkoles ng gabi sa Toyota Center bago lumipat ang serye sa Oakland, Calif.

Nag-init sina Har­den at Durant sa simula, nagtuwang ng 25 points sa 10-for-16 shooting sa first quarter. Kinaila­ngan ng Golden State na malusu-tan ang maagang pagputok ng Rockets, kung saan umabante ang Houston sa 12-4 sa likod ng walong puntos mula kay Harden.

Napalobo ng ­Rockets ang bentahe sa 21-15 sa dunk ni Clint Capela.

Nabigo ang ­Rockets na mapanatili ang kalamangan, kung saan tumapos ito na may 16 turnovers.

Bumuslo ang ­Houston ng 45.9 percent mula sa floor.  Ang bawat koponan ay nagsalpak ng 13 3-pointers.

Comments are closed.