NAGBUHOS si Stephen Curry ng 26 points sa 22 minutong paglalaro at gumawa ang Golden State Warriors ng record-setting first quarter nang kunin nila ang isang puwesto sa Western Conference playoffs sa pamamagitan ng 157-101 pagdurog sa host Portland Trail Blazers Linggo ng hapon.
Ang lahat ng 13 players na naglaro ay nakaiskor para sa Warriors (44-38), na tumapos sa sixth place sa West. Nagwagi ang Los Angeles Clippers (44-38) sa Phoenix upang tumapos na tabla sa Golden State, ngunit tangan ng Los Angeles ang tiebreaker upang kunin ang fifth seed.
Makakaharap ng Warriors ang third-seeded Kings (48-34) sa first round ng playoffs.
Samantala, sinelyuhan ng Portland (33-49) ang fifth-worst record sa NBA at ang isang puwesto sa front row ng draft lottery sa susunod na buwan.
Nangangailangan ng isang panalo para makasiguro ng isang playoff spot, walang sinayang na oras ang Warriors at tinambakan ang Trail Blazers.
Nagtala sila ng NBA record para sa first-quarter points na may 55, bumuslo ng 20 of 29 shots overall at 12 of 18 mula sa 3-point range tungo sa 28-point lead.
Nag-ambag si Golden State’s Klay Thompson ng limang 3-pointers at 17 points sa opening quarter. Ang kanyang ika-5 3-pointer ang kanyang league-leading 300th sa season. Nagdagdag si Jordan Poole ng 12 sa opening period at gumawa si Curry ng 8 upang mag-ambag ng anim sa 18 assists ng Golden State sa frame.
Umiskor si Moses Moody ng 25 points mula sa bench para sa Golden State, habang tumipa sina Poole ng 21, Thompson ng 20, Jonathan Kuminga ng 15 at Donte DiVincenzo ng 10 na sinamahan ng 8 assists at 5 steals.
Sa kanyang pagbabalik sa Portland, nag-ambag si Gary Payton II ng 8 rebounds, 4 points, 4 assists at 4 steals.
Lahat ng limang Trail Blazers starters ay umiskor sa double figures, sa pangunguna ni Skylar Mays na may 21. Nagbigay rin si Mays ng game-high 12 assists.
Lakers 128, Jazz 117
Kumana si LeBron James ng 36 points, kabilang ang walong 3-pointers upang pangunahan ang Los Angeles Lakers sa panalo kontra Utah Jazz.
Bagama’t nanalo sila sa final game ng regular season, ang Lakers (43-39) ay nabigong makakuha ng guaranteed playoff spot. Ang No. 7 seed Lakers ay magiging hosts sa No. 8 Minnesota Timberwolves sa Martes sa play-in round.
Nag-ambag si Anthony Davis ng 16 points, 13 rebounds, 4 blocks at 3 steals sa panalo, habang kumabig si D’Angelo Russell ng 17 para sa Lakers na nanalo sa ika-9 na pagkakataon sa 11 games.
Tumirada si Kris Dunn ng 26 points, 10 rebounds at 8 assists upang pangunahan ang Jazz (37-45), na muling naglaro na wala ang kanilang starting lineup at iba pang key players.
Nagposte si Kelly Olynyk ng 23 points na may 5 boards at 4 assists habang nagdagdag si Simone Fontecchio ng 20 points at 9 rebounds.