WASTONG PAGPAPALAKI

SABONG NGAYON

THE most critical stage during upbringing o pagpapalaki ng ating mga alagang manok ay iyong day one pagkapisa hanggang anim na buwan ang edad kung saan dito naka-focus ‘yung height o pagtangkad.

“Pagdating ng 7-8 months old ay tigil na ‘yung pagtangkad nila at ‘yung nutrients na nakukuha nila sa kanilang tinutuka ay napupunta na sa body conformation kaya ang ideal age ng stag para ilaban ay 9 months old peak/ kalakasan niya iyan at ang pullet/ dumalaga naman ay kagandahan i-breed 9-10 months old,” ani Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.

“Sa edad na 3 months old dapat hinaluan na ng pakaunti-kaunting  grains at pellets para ma-exercise na ‘yung gizzard/ balunbalunan kasi kung hindi po gumagana ang gizzard sila ay lumalalaki na ampaw/ lambutin,” dagdag pa niya.

Ayon kay Doc Marvin, para scientific ang pag­laki dapat ang pakain from day 1 – 4 months ay 19.5 percent CP SUPER SISIW at pagdating ng 5 months onwards 16 percent CP MAINTEMAX wala nang ihahalo pa kasi balansiyado na kaya kung talagang quality ang linyada lapis ang paa.

Sa edad na 5-6 months puwede na pong mag-start mag-harvest ng stag, importante maglagay ng pahila sa kanang paa  pagkahuli sa range area/pagalaan para ‘di siya manibago sa cording/ talian para maiwasan ang pamimilay at dapat po ready ang pag­lalagyan/stag pen facilities muna bago ang manok para scientific ang paglaki kasi habang sinasanay siya na may tali sa paa ay malaya pa rin siyang nakakatakbo at lipad.

“Mahirap po kung diretso na agad siya na itatali, kalimitan  po ay nagkaka-nerbiyos siya,” ani Doc Marvin.

Comments are closed.