WATER DAMS GAGAMITIN SA RENEWABLE ENERGY

HINIMOK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga dam operator na gamitin ang kanilang pasilidad para makapagbigay ng tubig upang magamit sa renewable energy.

Sa kanyang talumpati sa impounding process ceremony sa Upper Wawa Dam sa Montalban, Rizal, nanawagan si Pangulong Marcos sa mga dam operator na makipagpartner sa pamahalaan upang makamit ang mas sustainable and energy-efficient country.

“I also call on our stakeholders, particularly those operating other dams nationwide, to maximize the use of your facilities by integrating other uses for the captured water, such as for the generation of renewable energy,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Let us work together in this endeavor to create a more sustainable and energy-efficient future for our nation,” dagdag pa ng Pangulo..

Idiniin pa ng Chief Executive ang pangangailangan para sa multi-purpose dams upang tutukan ang lumalaking demand para sa supply ng tubig.

“We need to build more multi-purpose dams to ensure water supply not only for drinking but also for irrigation, power generation, flood control, aquaculture, and hopefully other technologies that we may engage in the future,” dagdag pa niya.

Muli ring ipinanawagan ng Pangulo sa publiko ang pagtitipid ng tubig habang tiniyak na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang matiyak ang sapat na supply nito.

“Rest assured that this Administration remains firm in its resolve to pursue a more transformative endeavor that will champion the optimal health and growth of Filipinos across the country,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

EVELYN QUIROZ