WATER LEVEL SA ANGAT DAM SUMAMPA NA SA 197-METER

Angat Dam

NASA  197-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.

Ipinabatid ng Pag­asa Hydrology Division na alas-6 ng umaga ay nasa 197.22 meters na ang water level ng Angat Dam.

Bahagya ring na­dagdagan ang water level ng Ipo dam na nasa 100.99 meters, gayundin ang Binga dam, habang walang pagbabago sa water level ng Magat dam.

Samantala, nabawasan din ang antas ng tubig sa La Mesa Dam, Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Cali­raya dams.DWIZ882

Comments are closed.