WAYS NANG MAIHANDA ANG TAHANAN SA PAGPASOK NG PANIBAGONG TAON

BAGONG TAON

(ni CS SALUD)

NGAYON pa lang ay nag-iisip na ang marami sa atin kung paano nga naman nila pagagandahin ang kani-kanilang tahanan sa pagpasok ng taong 2020. Bukod nga naman sa pagpapabuti ng ating mga sarili, isa pa sa pinag-iisipan natin ay ang pagpapaganda ng ating mga tahanan. Kumbaga, Bagong Taon ay asam din natin ang bagong hitsura ng ating tahanan.

Tuwing magbabago nga naman ang taon ay gusto rin nating baguhin ang ayos ng ating buong tahanan. Masarap nga namang tumira sa bahay na maayos at malinis.

At kung minsan din ay nagsasawa na tayo sa ayos o design ng ating tahanan kaya’t pinipili nating sa pagpasok ng panibagong taon ay baguhin din ito. Hindi lamang para maging maganda kundi upang maging handa tayo sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Marami sa atin ang sumusunod sa uso pagdating sa pagpapaganda ng tahanan. Mayroon din namang kung ano sa tingin niya ang magandang ayos, iyon ang ginagawa.

Ngunit sabihin mang nais nating ma­ging maganda ang kabuuan ng ating tahanan, kadalasan pa rin ay nawawalan tayo ng ideya kung paano ito aay-usin. Mahirap nga rin naman ang mag-ayos ng tahanan. Kung minsan, kailangan pa nating mag-research o kaya naman ang magtanong sa mga kakilala, kapamilya at kaibigan.

At dahil mahirap nga naman ang mag-ayos, sa mga nag-iisip ng mga paraan upang maihanda ang tahanan sa pagpasok ng panibagong taon, narito ang ilan sa simpleng tips:

MAGLAGAY NG SHELVES AT STORAGE

Malamang ay ma­rami tayong natanggap na mga regalo nitong nagdaang Pasko. Kasabay nga naman ng pagsasaya ay ang pagbibigayan at pagbaba-hagi ng mga natanggap na blessings. Paniguradong maraming natanggap na regalo ang ma­rami sa atin mula sa mga gamit sa kusina gaya ng mga baso at pinggan hanggang sa palamuti o pandekorasyon sa bahay at mga laruan. At kasabay nito ay ang pag-iisip natin kung saan ba natin ilalagay ang mga natanggap na regalo.

Ngayong 2020, isa sa magandang gawin ay ang pagdaragdag ng shelves at storage nang may mapaglagyan ng mga natanggap at nabiling gamit ni-tong nagdaang Pasko.

Hindi lamang din pantry ang puwede na­ting lagyan ng shelves at storage kundi ma­ging ang garahe, banyo at kuwarto.

Sa paglalagay o pagdaragdag din ng shelves at storage ay mas magiging organi­sado ang ating tahanan ngayong 2020.

FLORAL WALLPAPER

POWDER ROOMIsa rin sa madalas nating ginagamit at madali ring magdumi ang powder room. Isa naman sa mainam gawin nang ma-update o mapaganda ang pow-der room ay sa pamamagitan ng paglalagay ng wallpaper.

Kaya’t kung plain lang ang inyong powder room o restroom, mapagaganda ninyo ito sa napakasimpleng pa­raan—ang paggamit ng wallpaper.

Napakaraming wallpaper ang puwede nating pagpilian na maganda sa mata.

At dahil nakatatamad din ang maglaba, isa rin sa makatutulong upang ganahan tayo sa ating ginagawa ay ang pag-revamp o ang pag-update rito sa pamamagitan ng paglalagay ng wallpaper.

Kayang-kaya nga naman nating mapaganda ang ating laundry room at powder room sa napakadaling paraan.

Sa simpleng pa­raan din ay malaki ang magiging malaki ang pagbabadong handog ng paglalagay ng wallpaper sa mga nabanggit na lugar.

Pagdating naman sa design, papatok ang floral wallpaper. Kumbaga, kung pumatok ito sa 2019, hanggang sa 2020 ay kahihiligan ito ng marami.

LINISIN ANG BUONG BAHAY

Napakahalaga ring nalilinis natin ang kabuuan ng ating tahanan. Kaya naman, sa pagsalubong ng Bagong Taon ay siguraduhing malinis ang bawat sulok ng ating tahanan. Mula sa ceiling hanggang sa drawers ay siguradu­hing nalinis itong mabuti.

Huwag na ring hintaying dumumi pa ang wall at floor bago simulan ang paglilinis.

VINTAGE ACCENTS

Pagdating naman sa home decoration, isa naman sa pagiging patok ang vintage accents. Marami naman talaga sa atin ang mahilig sa vintage. Napaka-classy nga naman ng naturang décor.

Ngunit sabihin mang uso o mapapansin natin ang naturang home trend, hindi naman lahat o buong bahay ay magkakaroon ng ganitong dekorasyon. Kumbaga, may mga parte lang o bahagi.

NAVY BLUE

NAVY BLUEAng color of the year sa taong 2020 ay ang navy blue o classic blue. Kaya’t pani­guradong hindi lamang outfit ng marami sa atin ang matatanaw na­ting ganito ang kulay kundi maging ang design o décor ng bawat tahanan.

Versatile at sophisticated nga naman ang naturang kulay.

Maraming paraan nang maihanda natin ang ating tahanan sa pagpason ng panibagong taon.

(photos mula sa marketplaceatfellspoint, workstore.com, fabmodula, phillymag, dexetra.org)

Comments are closed.