WAYS PARA BUMALIK SA DATI ANG KATAWAN MATAPOS ANG WALANG KATAPUSANG KAINAN

christmas eating

HINDI nga naman natin maiwasan ang pagkain ng marami lalo na at holiday. Kahit na gusto nating pigilin ang sarili nang hindi makakain ng marami, napakahirap namang gawin. Sino nga naman ang makahihindi sa pagkaing sa hitsura pa lang at amoy ay matatakam ka na.

Natapos na ang Pasko, ngunit may isa pa tayong okasyong ipagdiriwang—ang pagsapit ng Bagong Taon. Tiyak na mapaparami na naman ang kain natin sa pagsalubong natin sa panibagong taon.

Kaya ngayon pa lang, siguraduhing naibabalik na sa dati ang katawan. At para magawa iyan, narito ang ilang tips na kailangang isa­alang-alang:

MAGPAHINGA NG TAMA

SLEEPING-1Hindi pa tapos ang pagdiriwang natin ng holiday. Pero hindi ibig sabihin nito ay hahayaan na lamang natin ang sariling mag-puyat o mapagod.

Oo nga’t masaya at katangi-tangi ang makasama ang ating mahal sa buhay. Gayunpaman, maglaan din tayo ng panahong maka-pagpahinga para makabawi ang katawan at hindi lumobo sa susunod na taon.

Kaya ngayon pa lang ay magpahinga na upang maging handa sa pagsalubong ng Bagong Taon.

MAGING AKTIBO

Kailangan din si­yempre ang pagiging aktibo nang mawala ang tabang naimbak sa katawan sa walang katapusang kainan.

Oo nga’t may ilang tinatamad ang gumalaw-galaw kapag ganitong holiday season. At ang katamarang gumalaw-galaw o ang maglakad-lakad ay isang paraan kaya’t tumataba ang marami sa atin matapos ang holiday.

Nang maiwasan ito, panatilihin ang pagiging aktibo. Kung hindi makapag-ehersisyo, mainam na maglakad-lakad nang mapa-natili ang timbang sabihin mang napakain ka ng marami kahapon at kakain ka na naman mamaya o sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

PANATILIHING HYDRATED ANG KATAWAN

HYDRATED-1Kapag holiday, nagkalat ang iba’t ibang inuming puwede nating pagpilian. Nariyan ang soft drinks, mga inu­ming nakalalasing, juice at kung ano-ano pa.

Sabihin mang maraming inumin ang puwede nating pagpilian, siguruhin pa ring nakaiinom tayo ng tubig.

Tubig ang isa sa pinakaimportanteng inumin na kailangang mayroon ang katawan nang mapanatili itong hydrated.

Kung hydrated rin ang ating kinatawan ay maiiwasan natin ang iba’t ibang sakit. Natutulungan din tayo ng pag-inom ng tubig upang makontrol ang ating appetite.

Kaya matapos ang pagkain ng sandamakmak, siguruhin ang pag-inom ng maraming tubig. Puwede rin namang lagyan ng hini-wang lemon nang magkaroon ito ng lasa. Mainam ding pan-detox ang lemon water.

Kaya swak din itong kahiligan matapos ang maramihang kainan.

KUMAIN NG VEGGIES

VEGGIESHealthy na pagkain, iyan ang isa pa sa dapat nating kahiligan. Gayunpaman, may mga panahong nahihirapan tayong pigilan ang ating sarili at napakakain tayo ng matataba at mamantika.

Kung tutuusin, okey lang naman ang mapakain ng mga gusto nating pagkain gaya ng mamantika, matataba at matatamis basta’t in moderation lang o tama lang.

Matapos din ang pagkain ng sobrang dami, ugaliin o kahiligan ang healthy na pagkain gaya ng gulay at prutas. Mainam ang mga ito upang maibalik sa dati ang katawan at maiwasan ang pagdaragdag ng timbang.

Mataas nga naman sa fiber ang mga gulay kaya’t natutulungan tayo nitong mabusog o makaramdam kaagad ng kabusugan. Da-hil din diyan, hindi na tayo mapapakain ng marami.

Ang sarap naman talagang kumain. May ilan sa atin na dahil bata pa nga naman, lahat ng maisipang kainin o lahat ng nakahain sa harapan ay nilalantakan.

Gayunpaman, hindi porke’t bata pa tayo ay magpapabaya na tayo sa ating sarili at hahayaan na natin ang kagustuhang kainin ang kung ano mang pagkaing nasa ating harapan kahit na alam nating hindi ito makabubuti sa katawan.

Tandaan natin, mainam pa rin ang nag-iingat lalong-lalo na sa kinakain natin.

Holiday man, mag-ingat pa rin tayo.

Maging mapili sa pagkain nang mas ma-enjoy natin ang ating buhay.

Comments are closed.