NANAY ang matatawag na real MVPs, bonafide warriors na gagawin ang kahit na ano mailayo lang sa kapahamakan ang pamilya. Ngayong Mother’s Day, ibalik at iparamdam natin sa kanila ang pagmamahal na ibinibigay nila sa atin. Empower the most important woman in your life with these nifty driving hacks from Waze, ang world’s largest community-based traffic and navigation app na siguradong makatutulong upang mawala ang stress ng bawat Nanay sa kalye sa paggawa ng kanilang daily routine.
Tip #1: My Voice Is Your Command, ‘Nay
Mayroon pa bang makahihigt sa pagsasabi ng ‘I Love You’ sa ating mga Nanay? Mayroon pa at iyan ay ang pagre-record ng sariling Waze navigation voice para magabayan siya sa kalye. Para ma-enable ang customization sa Waze, pumunta lang sa Advanced Settings > Sound & Voice > Voice Directions. Wala ka ring poproblemahin dahil tutulungan ka ng Waze sa proseso ng pagre-record. Sisiguruhin din nitong ang direction na kanyang natatanggap ay clear and accurate. Matapos makapag-record, madali ring maibabahagi sa pamilya ang custom Voice pack.
Tip #2: New Waze to Drive
Nagpaplano ba kayong mag-roadtrip? O ayaw sumabay sa rush hour? Kung may family appointment, hindi na ninyo ito makaliligtaan dahil sa Waze ‘Planned Drives’. Ang feature na ito ay makatutulong kay Nanay na planuhin ang kanyang upcoming trips. Maaari rin niya itong i-sync with business meetings and Facebook events.
Tip #3: ‘Nay’s Trusted Co-pilot
Ang Waze ay hindi lamang para mag-navigate ng traffic, it’s also a trusted co-pilot for every essential pit stop while driving. Pumunta lang sa ‘Gas Stations & Prices’ feature for instance: piliin ang petrol type and station, at ipakikita ng Waze ang presyo at station locations na nasa paligid. Maaari ring makita ang pinakamalapit na hospital sa panahon ng emergency, gayundin ang available na parking lots.
Tip #4: Family-friendly Driving
‘Wer na you, ’Nay?’ Imbes nga namang tawagan para malaman kung nasaan na ito, maaari natin silang i-encourage na gumamit ng Waze’s ‘Send ETA’ feature. Kung gabi na at hindi tiyak ang oras na makauuwi, i-tap lang ang ‘Send ETA’ sa bottom ng Waze map para mabantayan ng bawat miyembro ng pamilya ang pagmamaneho in real-time via text o WhatsApp. Dahil dito, hindi ka na mag-aalala.
Comments are closed.