WEBINAR SA TRADITIONAL SPORTS, GAMES AARANGKADA

Charles Raymond A. Maxey

ISANG Indigenous Peoples (IP) Forum na may titulong “Webinar on Preservation of Culture and Heritage through Indigenous Sports and Games” ang isasagawa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa October 31, 1 p.m., via Zoom at magkakasabay na ibo-broadcast nang live sa social media pages ng PSC.

Ayon kay Philippine Sports Commissioner Charles Raymond A. Maxey, ang webinar ay magsisilbing extension ng IP Games program ng ahensiya.

“Due to the COVID-19 pandemic, all implementation of sports programs of the Commission was stopped. Now, we came up with an idea of staging this webinar to coincide with the observance of the Indigenous Peoples Month this October,” sabi ni Maxey.

Aniya, tampok sa webinar ang pangangalaga sa traditional sports at games ng Indigenous Peoples.

Magsisilbing resource speakers sina Prof. Henry Daut ng Philippine Sports Institute,  Maria Lourie C. Victor ng DepEd’s Indigenous Peoples Education Office (IPsEO), at Prof. Madonna Castro-Gonzales ng National Council for Physical Educators of the Philippines (NCPEP).

Si Daut ay dean ng Sports Education ng Philippine Sports Institute, habang si Victor ay nagsisilbing  Senior Technical Assistant ng IPsEO. Si Castro-Gonzales ay coordinator ng Sports and Culture Office and Physical Education Office, Philippine Normal University (PNU) – North Luzon.

“We are expecting more than 60 participants for this Webinar, comprised of educators, sports officials, and other stakeholders,” dagdag ni Maxey.

Ang mga interesadong Zoom participants ay maaaring magpatala sa link na ito: http://bit.ly/IPGamesWebinarForm. Ang unang 1,000 registrants lamang ang maaaring i-accommodate sa Zoom habang ang natitira ay sa pamamagitan ng Facebook live.

Comments are closed.