WGM FRAYNA UMAPELA NG AYUDA

WANTED: Sponsors para kay Women Grandmaster Janelle Mae Frayna.

Nanawagan ang tanging Pinay GM ng tulong pinansiyal sa mga pribadong kompanya at indibidwal para maayudahan ang pangangailangan niya sa pagsabak sa European Chess Tour.

“Hindi naman po nagkukulang ang aming asosasyon at maging ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagtulong sa aming mga atleta, higit sa mga chess player na tulad ko. Ngunit, limitado ang budget ng PSC at kailangan ko po ang tulong para makalahok ako sa mga tournament sa Europe,” pahayag ni Prayna.

Matataas na lebel ng kompetisyon ang naghihintay sa 24-anyos na si Prayna kung saan mapapalaban siya sa mga world rated at top players mula US, Asia at Europe na kinakailangan ng Pinay GM upang higit na mapataas ang kanyang FIDE ranking.

Ayon kay NCFP Secretary General at Grandmaster Jayson Gonzales, malaking bagay kay Frayna na makalaro laban sa mga world rated player upang masustinihan ang kanyang pag-angat at mas mapatibay ang katayuan sa world chess community.

“Malaking bagay kapag mataas na ang ranking ng players. Sa mga laro kasi na medyo lamang na ang may mataas na ranking, usually bumibigay na ‘yung kalaban. Pero kung mababa lang ang ranking mo kahit lamang ka na itutuloy pa rin ng kalaban mo ‘yung laro hanggang sa maka-adjust ito at makuha ang advantage,” ani Gonzales.

Sa kasalukuyan, hawak ni Frayna ang FIDE ranking na 2190 sa standard play, 2104 sa rapid at 2113 sa blitz.

“Dahil po sa pandemic, talagang hindi pa kami makapaglaro ng over the board dito sa Pilipinas, while sa ibang bansa tulad sa Europe, balik na sila, kaya maraming tournament na available. Hopefully, makalaro po ako dito para mas ma-improve ko po ‘yung ranking ko, Bale training na rin po for SEA Games and Asian Games,” pahayag ni Prayna patungkol sa dalawang multi-event tournament na magkasunod na gaganapin sa susunod na tapon sa Vietnam at China.

May mga online tournament na available, ngunit iginiit ni Prayna na lubha siyang naapektuhan nang madiskwapilika ang 12-man Philippine Team na kanyang kinabibilangan kamakailan sa FIDE Olympiad matapos mahuling lumabag sa ‘fair play’ ang isang batang miyembro.

“Nakakalungkot po ‘yung nangyari sa amin, Nasayang ang lahat ng pinagpaguran ng mga players, kaya po mas mainam na mag-laro na lang po ako sa over the board competition. Kaya po sa mga may magagandang loob, sana po matulungan ninyo ako para sa financial requirement ko sa paglalaro sa Europe,” aniya. EDWIN ROLLON

94 thoughts on “WGM FRAYNA UMAPELA NG AYUDA”

  1. 633003 509329I like this post a good deal. I will certainly be back. Hope that I will likely be able to read far more insightful posts then. Will probably be sharing your expertise with all of my associates! 857964

  2. 967745 867146I dont normally take a look at these kinds of web sites (Im a pretty shy person) – but even though I was a bit shocked as I was reading, I was certainly a bit excited as properly. Thanks for giving me a big smile for the day 880125

Comments are closed.