SA panahon ngayon, ang mga tinatawag na Millennials na yata ang pinakamasarap na gawing tampulan ng tukso. Yung mga nauna sa kanilang Baby Boomers, laging sinasabing walang direksiyon ang mga buhay ng millennials, habang ang Gen Z naman na sumunod sa kanila ay naiinis dahil parang hindi sila nagtatanda. Minsan pa nga, sa grupo na mismo ng mga millennials, hindi nagkakasundo ang mga “matatandang millennials” at mga “nakababatang millennials”.
Kung ipinanganak ka sa pagitan ng 1981 hanggang 1996, isa kang millennial. Ibig sabihin, sa taong 2021, naglalaro ang edad mo sa 25 hanggang 40 años. Kung 24 ka pa lang ngayon, ikaw ay Generation Z o Gen-Z na. Kilala rin ang mga Gen-Z sa tawag na iGeneration. Dahil sa edad ng mga Millennials, sila na ngayon ang pinakamalaking grupo ng working class.
Sa panahong nagsisimula pa lamang ang kamulatan ng mga Millennials, tatlong malalaking pangyayaring may kinalaman sa pulitika ang humubog sa kanilang kamalayan. Una ay ang digmaan sa Iraq kung saan pinilit na gupuin ang kapangyarihan ni Sadaam Hussein. Sumunod dito ang Digmaan sa Afghanistan kung saan naman pinabagsak ang pwersa ng mga Taliban. At pangatlo ay ang tinaguriang 9/11 o ang pagpapabagsak ng Twin Tower ng World Trade Centre sa New York.
Sa labas naman ng politika, masasabing ang mabilis na pag-usbong ng teknolohiya ang isa sa pinakatatanging pangyayari sa buhay ng mga Millennial. Kaalinsabay nito, mabilis din ang naging paglawak ng paggamit ng World Wide Web o internet. Kung may isang bahay na hindi maintindihan ng ibang mga henerasyon sa mga millennials, ito nga ay ang pagkahumaling ng mga ito sa pagbabahagi ng kanilang buhay sa social media.
Sa pag-usbong ng Facebook, Twitter, Instagram, at Youtube, nagkaroon ng bagong paraan ng pagpapahayag ng kanilang mga sarili ang mga Millennials. Samantalang noon ay mga sikat na tao lamang ang kalimitang nakapagpapahayag ng kanilang mga opinyon ukol sa mga bagay-bagay, binigyang kapangyarihan ng mga social media ang mga millennials na ipahayag din ang kanilang mga saloobin.
Bunga na rin ng makabagong pamamaraang ito, nagbago ang tako ng politika sa daigdig. Masasabing real-time ang nagiging reaksyon ng mga tao tungkol sa kahit anong pangyayari sa daigdig. Madaling maging viral ang mga pangyayari. At kung inaakala mong dahil sa nakatira sa ka isang liblib na pook, subukan mo lang magkarga ng katawa-tawa o minsan ay eskandaloso sa social media, ay malamang na makilala ka.
Hindi talaga matatawaran ang pagkahumaling ng mga millennial sa social media. Ano pa nga’t halos lahat na lang ng kinakain ng mga ito ay may larawan at tiyak na malalagay sa social media. Mula nga rito ay lumabas ang salitang “food porn”. Maliban pa riyan, lahat rin ay dapat na “instagrammable”. At kung sakaling maging marami na ang sumusubaybay sa kanila, magkakaroon na rin sila ng channel sa Youtube. Sabi nga, kung wala kang panahon na panoorin ang mga balita sa telebisyon, asahan mong maya-maya lamang ay maikakarga na rin ito sa Youtube.
Subalit ang mga katangiang ito rin ang nagiging dahilan kung bakit nagiging tampulan ng tukso ang mga millennial. Minsan, dahil sa hindi maunawaan ang kanilang ugali tungkol sa social media, madaling sabihin na sila ay “kulang sa pansin”. Lahat na lang ng pangyayari sa buhay nila ay nasa social media. At bagamat minsan ay mayroong magagandang opinyong lumalabas, kasing
dalas ay makababasa tayo ng mga post na hindi mo maintindihan kung bakit ba nila inilagay sa kanilang wall.
Minsan, mababasa mo na lang na tila may pinasasaringan sila sa kanilang mga post. May mga pagkakataon pa nga na hindi na lamang pasaring. Kaya naman magsasagutan ang mga tao sa social media at sa huli ay maga-unfriend sa isa’t isa. Sa panahon ngayon, ang paga-unfriend na yata ang makabagong “pagsasaulian ng kandila”. Na kung sa tutuusin ay maari naman sanang naayos kung sila ay nag-usap ng harapan.
Naging armas na rin ng mga millennial ang social media sa pagpapahayag ng mga adbokasiyang kanilang pinaniniwalaan. Kung may isang taong naniniwala sa karapatan ng mga kababaihan, madali mo itong malalaman sa pamamagitan ng kanilang mga larawan at maging mga sulatin.
Marahil bunsod na rin sa pagiging laging nasa social media, ay umusbong ang isa pang reklamo sa mga millennials. Ang kanilang “Peter Pan Syndrome”, yun bang wala silang balak tumanda. Sa simula, malaki ang pagbibigay nila ng importansiya sa kanilang hitsura. Syempre, ang taong laging nasa harap ng camera ay dapat na “camera ready”. Dapat ay laging parang bata ang kanilang hitsura. Subalit kaalinsabay na rin nito ang kanilang mga pag-uugali.
Di tulad ng kanilang mga magulang na mas pipiliin ang siguradong trabaho, kahit na maliit ang sweldo, hindi bago sa mga millennials ang pagkakaroon ng bagong trabaho bawat taon.
Sabi nga, kung mayroong mas magandang pagkakataon, iiwan ng millennial ang kasiguruhan ng empleyo. Marami rin sa kanila ay mga free-lancer, isang konsepto na mahirap unawain para sa mga Baby Boomers, o yung mga magulang nila. Marami rin sa kanila ay umaabot ng 30 bago mag-asawa at nakatira pa rin sa kanilang mga magulang hanggang sa edad na ito.
Subalit kung susuriin nating maigi, ganito rin naman ang reklamo ng mga magulang ng mga Baby Boomers sa kanila. Yung mga ipinanganak noong panahon ng digmaan ay wala na ring sinabi noon sa kanilang mga anak kundi “noong panahon namin, noong digmaan” tapos ay susundan ng litanya ng mga bagay na hindi pinahahalagahan ng mga boomers. Sa madaling sabi, kung paanong hindi nauunawaan ng mga Boomers ang mga millennials, ganoon rin ang naging problema noon sa kanila.
Ang pinakamalaking pagkakaiba nga lamang ay dahil sa social media, mas nagiging kolektibo ang ating mga karanasan. Samantalang noon ay 10 magulang lamang nag kalaban ng 10 teenages, ngayon ay buong henerasyon na ang maaring magpahayag ng kani-kanilang saloobin. Sabi nga nila, iyong mga nauuna sa pila ang kalimitang naiipit sa pagitan ng pinto at ng mga taong susunod sa kanila.
Sa ngayon, dahil nakita na natin ang mga magaganda at masasamang naidudulot ng mga pangyayari sa buhay ng mga Millennial, maari na itong baguhin at lalong pagbutihin ng mga GenZ o iGeneration. JAYZL VILLAFANIA NEBRE
913056 534627I like the valuable information you offer inside your articles. Ill bookmark your blog and check once more here regularly. Im quite certain Ill learn several new stuff correct here! Great luck for the next! 235772
536274 163626An attention-grabbing discussion is worth comment. I believe which you really should write a lot more on this matter, it wont be a taboo topic nevertheless generally persons are not sufficient to talk on such topics. Towards the next. Cheers 982120
154337 938610I got what you intend,bookmarked , really good internet website . 655489
215934 421726I was reading some of your content material on this internet site and I conceive this internet internet site is genuinely informative ! Maintain on putting up. 460090
545317 470399As a result youll call for ultra powerful online enterprise tips to maintain operating in acquiring into matters proper your incredible web-based work. MLM 795244