NAITALA ng guest team Wilcon Depot ang perfect debut sa PBA 3×3 makaraang walisin ang pool slate nito upang makakuha ng ticket sa First Conference Leg 1 quarterfinals nitong Lunes sa Ayala Malls Manila Bay.
Siniguro nina TH Tumalip, Keith Datu, Ael Banal, at Yutien Andrada ang mainit na simula ng league newcomers kung saan dinispatsa nila ang second seed Cavitex, 18-16; Purefoods, 18-13, at San Miguel, 21-16, upang tumapos bilang Pool B No. 1.
Sisikapin ng Wilcon na mapanatili ang momentum ngayong araw sa Last 8, kung saan makakaharap nito ang third-ranked team mula sa Pool C.
Winalis din ng Season 2 grand slam champion TNT Triple Giga at intact Barangay Ginebra ang kani-kanilang mga katunggali tungo sa quarters.
Sinamahan nina Pioneer’s Gian Abrigo, Enrique Caunan, Denice Villamor at Ken Mocon angTNT sa quarterfinals bilang No. 2 sa grupo na may 1-1. Ginapi ng Katibays ang winless Blackwater (0-2) para sa isa pang quarters ticket sa likod ng kanilang 15-14 opening verdict.
Sa pamamagitan nina Donald Gumaru, Ralph Salcedo, Kim Aurin at Ralph Cu, magaan na dinispatsa ng Gin Kings ang Pool C rivals NorthPort, 21-11; Meralco, 16-12; at Terrafirma, 22-12.
-CLYDE MARIANO