WILLIE REVILLAME IN-ASSUME NA PAPASOK SA POLITIKA

DAHIL sa mga picture na kuha nina Willie Revillame at President Rodrigo Duterte marami ang naniniwalang papasukin na ng Wowowin host ang politika. Ang mga larawan ay kuha nang dumalaw si Willie sa wake ni da­ting Sen. Edgardo Angara kung saan naroroon din ang Presidente.

Sa picture ay magkatabi si Pres. Duterte at Willie na mukhang nag-uusap ng masinsinan. Ayon sa impormasyon na nabasa namin sa Pep ay matagal na nag-usap ang dalawa. Tanong tuloy ng madlang people kung tatakbo nga raw ba ngayong 2019 elections ang mahusay na TV host.

Nito kasing mga nagdaang araw ay may mga lumalabas na tatakbo raw sa Quezon City Willie. Pinabulaanan naman agad ito ng Wowowin host.

Nabalitaan na rin na­min ang isyung papasukin ni Willie ang politika. Ang nakarating sa aming impormasyon ay magkaibigan sina Winnie Castelo at Willie at ang una raw ang humihikayat sa kanya na tumakbo sa Quezon City bilang ka-runningmate niya.

Lahad ng aming source na walang katotohanan. Magkaibigan lang daw ang dalawa, at walang kinalaman sa politika kung sila ay nagkakausap. Aniya pa, ang magiging runningmate daw ni Castelo ay si Bingbong Crisologo bilang mayor at VM naman si Winnie.

Sabi nga namin kung ginusto ni Willie na tumakbo sa politika dapat ay noon pa nang kinukumbinsi siya ni dating Senador Manny Villar. At lagi ring sinasabi ni Willie noon na hinding-hindi niya papasukin ang pulitika.

Anyway, sa October pa ang filing ng candidacy at doon malalaman kung totoo ngang papalaot na rin sa pulitika ang Wowowin host. Abangan!!!

KRIS AQUINO AT MAYOR HERBERT BAUTISTA MAGKASAMA SA ‘KASAL’

MARAMI ang nakakitang nanood ng movie na Kasal sina Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista. Kaya ang tanong ng marami muli raw bang nagdi-date ang dalawa?

Hindi naman itinatago ng dalawang celebrity ang kanilang pa­nonood kung saan magkatabi pa sila ng kinauupuan. Ilang pictures nila ang nasa site ng Pep.

Pero sa Instagram account ni Kris hindi niya nabanggit na nanood siya ng Kasal kasama si Bistek.

CRISTINE REYES AT ALI KHATIBI NANGANGANIB ANG RELASYON

CRISTINE REYES AT ALI KHATIBI Three months na namin nababalitaan na on the rocks ang relasyon nina Cristine Reyes at Ali Khatibi, pero hindi namin pinaniniwalaan dahil nu’ng mga nakaraang interviews naman sa aktres at Ali ay lagi nilang sinasabi na they are in good relationship. Masaya ang kanilang samahan lalo pa at kasama nila ang anak na si Amarah.

Pero, lately ay mukhang may katotohanan ang lahat. Marami kasing follower ni Cristine sa kanyang social media account ang nakapansin na naka-unfollow raw ang mister nitong si Ali.

Tanong tuloy ng netizens kung hiwalay na raw ba ang dalawa o may pi­nagdadaanan silang marital problem?

Sa post kasi ni Cristine nu’ng Mother’s Day na kuha sa beach ay ta­nging siya at ang anak na si Amarah ang naka-post. Dati-rati raw kapag may event laging photos ng mag-anak ang kanilang nakikita.

Samantala, nakunan ng konting panayam ang sister ni Cristine na si Ara Mina. Ayon kay Ara, tinext daw niya ang kapatid regarding sa kanilang family outing at sa relasyon nila ni Ali. Sinagot lang daw ni Cristine ay tungkol sa outing at hindi sinagot ang tanong hinggil sa kanyang marital status. BETH GELENA/CHIZMAX

 

Comments are closed.