WILLIE REVILLAME NAGBABALA SA AUDIENCE LABAN SA MGA SCAMMER

WILLIE REVILLAME-3.jpg

NAKARATING na kay Willie Revillame ang ginagawang raket sa kanyanghotshots programang Wowowin, kaya agad na binalaan ng host ang kanyang mga audience na mag-ingat  sa mga scammer  na ginagamit ang kanyang programa para maka-panloko.

Sa kanyang programa last November 5 ay pinagsabihan ni Willie Boy ang mga nasa studio na mag-ingat sa mga taong  naniningil ng bayad para makapasok at makapanood sa studio.

Pagdidiin ni Willie Boy na walang bayad ang gustong manood ng kanyang programa.

“’Wag na kayo makikinig sa labas. Wala pong bayad ang manood dito. Walang bayad. ‘Wag kayong magpapaloko sa labas. Kung mayroon man kayong binibigyan  ng  pera, hindi po ‘yan pananagutan ng GMA at Wo­wowin.

“Dito  ho  libre ang maglaro at libre ang manood. Basta magpa-book  lang kayo. ‘Pag may hu­mingi  ng pera sa inyo sa labas o ano man, niloloko  lang kayo.”

Para maging malinaw sa lahat ng tagasubaybay ng show ay ipinakita  sa TV screen ang tamang paraan para makapasok at makapanood ng kanyang  show  sa studio.

“Para  maging  studio  audience sa Wowowin, mag-email  sa wowo­[email protected]  o kaya tumawag sa (02) 710-35-27 every Monday, Wednesday at Friday, mula 2pm to 5pm at hanapin si Martin Tamba.

Sinabi pa ni Willie na walang katotohanan ang mga kumakalat  sa social  media  at pati na rin sa text na nagsasabi na nanalo sila sa Wowowin.

Pagdidiin pa ni Willie na mananalo lang kayo sa mga game ng show sa loob mismo lang ng studio ng GMA 7.

“Saka  ho ‘yung mga ina-announce sa Facebook, Instagram, lahat ng ‘yan, Twitter na nanalo kayo  ng  ganito. Hindi po totoo ‘yan. Wala. Lahat  ng panalo, dito mangyayari sa loob ng studio ng GMA at Wowowin. Marami pong salamat.”

ERWAN HEUSSAFF HANDA NANG MAGPUYAT PAGLABAS NG BABY NILA NI ANNE

SA second wedding anniversary nina Anne Curtis at Erwan Heussaff last November ERWAN HEUSSAFF12 ay mababasa sa caption ng mestisang actress nang ihayag nga niya na siya ay buntis sa kanyang Instagram account na, “Another  reason  to love November.”

Hindi naman nagpahuli si Erwan na nag-post sa kanyang IG account na handa na siyang magpuyat  sa paglabas ng kanilang first baby ni Anne.

Marami ang naaliw at natawa sa ginawang post  ni Erwan bilang pagbati sa kanilang 2nd  anniversary ni Anne na sana raw ma­ging kamukha  ni  Anne ang kanilang anak, pero ang boses daw ay mamana sa kanya.

“Celebrating 2 years of  marriage with this beautiful lady today. I never  thought  that  hundreds of  days  could  feel  like  a blink. This  will be the last time  we spend it alone, before we are overwhelmed  by the love for our child. Sleepless nights and long-er days, I`m  ready for all  of it. With a tough woman like  you, we have  nothing  to worry about  it.  I  hope our kid  has  your  looks, but my voice. Jet`aime  mon  amour.”

Samantala,  may  request naman ang mister ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico na sana raw ay maging baby boy ang first baby nina Anne at Erwan.

“Please  have  a  boy  so  he  can take  care of  our baby girl when they go out!” say ni Nico.

Comments are closed.