WILLIE REVILLAME NAKAGILIWAN NI PDU30

willie-duterte-2

HINDI lang ang mga ordinar­yong senior o elderly ang nagigiliw kay Willie Revillame dahil pati si buzzdayPangulong Rodrigo Duterte ay naaliw na rin sa TV host/actor.

Mukhang nakuha nga rin ni Willie ang kiliti ni PDU30 dahil magiliw na nakipag-usap ang Pangulo sa kanya sa isang okasyon kamakailan.

Maraming nakapansin na tumagal ang naging pag-uusap ng dalawa at ang balita, susuportahan ng Pangulo ang political plans ni Willie kung may plano itong pasukin ang politika.

Nabalita rin kasi na tatakbong mayor ng Que­zon City si Willie. Lalong tumindi pa ang usaping ito nang makitang magkasama sina Willie at ang vice mayoral bet na si Representative Winnie Castelo na naghahanap ng lugar para pa­tayuan ng pabahay.

Nasasabi noon ni Willie na wala siyang planong mamulitika at sapat na ang pagtulong niya sa mga tao sa kanyang programa, pero, mukhang pinag-iisipan ito ngayon ng TV host/actor.

Abangan natin ang susunod na kabanata.

KAPUSO NETWORK WAGI PA RIN SA NATIONWIDE RATINGS NOONG MAYO

NUMBER 1 TV station nationwide pa rin ang Kapuso Network noong nagdaang Mayo ayon sa latest data ng pinagkakatiwalaang ratings service provider na Nielsen TV Audience Measurement.

Sa kabuuan ng May (kung saan base sa overnight data ang May 27 hanggang 31), nagtala ang GMA7 ng total day people audience share average na 39.8 percent sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) kumpara sa 38.3 percent lang ng ABS-CBN.

Sa morning block ng NUTAM, nakakuha ang GMA ng 35.9 percent na mas mataas sa 33.2 percent ng kabilang network. Panalo rin ang GMA, na may 42.1 percent, sa afternoon block kumpara sa 38.8 percent ng ABS-CBN.

Samantala, nangu­nguna pa rin ang GMA sa lahat ng time blocks sa Urban Luzon at Mega Manila na bumubuo sa 72 at 59 percent ng kabuuang urban TV viewers sa bansa.

Mas mataas naman ang kalamangan ng Kapuso Network sa Urban Luzon matapos nitong makakuha ng 44.4 percent average total day people audience share kontra 33 percent ng ABS-CBN.

Sa Mega Manila naman (base sa official data mula May 1 hanggang 26), panalong-panalo pa rin ang GMA na nagtala ng 45.8 percent average total day people audience share laban sa 30.4 percent ng ABS-CBN.

Mas marami ring GMA shows ang pasok sa listahan ng top-rating programs sa NUTAM kung saan most watched Kapuso show pa rin ang Kapuso Mo, Jessica Soho na sinundan ng Kambal, Karibal.

Pumatok din agad sa mga manonood ang bagong Kapuso primetime series na Inday Will Always Love You na pumangatlo sa top-rating programs mula sa GMA noong Mayo. Sinundan naman ito ng Magpakailanman, Pepito Manaloto, The One That Got Away, The Cure, 24 Oras, Lip Sync Battle Philippines, Daig Kayo ng Lola Ko, at 24 Oras Weekend.

Kabilang din sa listahan ang The Stepdaughters, Contessa, Eat Bulaga, Hindi Ko Kayang Iwan Ka, Bubble Gang, at Wowowin.

Suki rin sa top 30 lists ng Urban Luzon at Mega Manila ang mga palabas ng Kapuso Network kung saan nakuha nito ang 21 spots sa parehong area.

Ang data mula sa Nielsen ay base sa mas malaking bilang ng sampled homes nationwide kumpara sa Kantar Media. Dahil sa mahigit na 900 homes na kabilang sa survey sa Total Urban at Rural Philippines kumpara sa Kantar, ang Nielsen data ay sinasabing “statistically more representative” sa kabuuang TV population sa bansa.

 

Comments are closed.