WOMEN WRESTLERS TAMPOK SA ‘RISE UP SHAPE UP’ NG PSC

PINAIGTING ng Philippine Sports Commission (PSC) ang suporta nito sa women in sports sa pamamagitan ng weekly web series na Rise Up Shape Up (RUSU).

Sa pinakahuling webisode nito noong  September 11, itinampok ng PSC-RUSU ang 15 women wrestlers na namayani sa katatapos na 7th Women’s Martial Arts Festival. Ibinahagi nila ang kanilang best winning moves at mga kuwento ng kanilang athletic journey.

Ang web series ay tinampukan din ng dalawang national lady grapplers — Minalyn Foyos at Jiah Pingot, na kapwa nagwagi ng silver medals sa 2019 Southeast Asian Games. Nagbigay ng inspirasyon ang dalawang national team stalwarts sa mga batang wrestler kung saan ibinahagi nila ang kanilang pagsisimula sa sport.

“I thank chairman Butch Ramirez for his continuous support to women in sports program. This project empowers all the women as a strong ally to achieve sports excellence,” wika ni PSC Commissioner at Women in Sports oversight Celia Kiram.

Tiniyak din ni Kiram ang pagpapatuloy ng women’s martial arts festival na nagtatampok sa iba’t ibang sports at isang paraan din ng ahensiya para tumuklas ng mga bago at promising talents na magpapalakas sa national pool.

“The Women’s Martial Arts Festival bolsters women’s rights to equal participation in sports,” dagdag ng lady commissioner, na tinalakay rin ang kasaysayan ng wrestling sa kanyang regular K-Isport segment. E-PAINTERS UMESKAPO

SA BEERMEN; ‘TROPA’ PASOK NA SA Q’FINALS

NAISALPAK ni Rey Nambatac ang go-ahead shot, may 2.5 segundo ang nalalabi, para sandigan ang Rain or Shine sa 95-93 panalo kontra San Miguel Beermen kahapon sa 2021 PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Tinanggap ang bola malapit sa right corner, gumawa ng paraan si Nambatac para makalapit sa basket bago tumira laban sa tat-long defenders. Pumasok ang bola na nagbigay sa Elasto Painters ng two-point lead.

“That was all him,” pahayag ni RoS coach Chris Gavina patungkol kay Nambatac, ang No. 7 overall pick sa 2017 draft. “I got him the ball and he was the one who was able to go with his instincts and make that game-winning basketball.”

Sa panalo ay umangat ang Rain or Shine sa 6-4 kartada at tumatag para sa isang puwesto sa quarterfinals. Isa pang panalo sa elimination round kontra NorthPort ay makasisiguro na ang E-Painters sa susunod na round.

Naputol naman ang two-game streak ng Beermen at bumagsak sa 5-3 kartada at nangangailangan ngayon na manalo laban sa Magnolia, Phoenix at Alaska hindi lamang para umusad sa susunod na round kundi para magkaroon din ng tsansa na makopo ang isa sa top two slot at ang win-once advantage sa quarterfinals.

Nagpasabog si Santillan, ang No. 5 pick overall sa draft noong Marso, ng career-high 21 points sa second half para pangunahan ang paghahabol ng Rain or Shine sa 13-point deficit, katuwang sina Javee Mocon, Nambatac, Aldre Caracut at Anton Asistio.

“Going to this game I told everybody that they need to be fearless today. I’m fearless when I’m playing these rookies,” ani Gavina.

“The guys have shown great character, extreme grit under extreme pressure these last two games. As you can see, they’re ready to perform when their number is called so it’s a blessing for us to have these super rookies in our team,” dagda pa ni Gavina.

Ang una sa tatlong tres ni Santillan sa laro ay nagbigay sa E-Painters ng 72-69 lead sa pagtatapos ng third period at ang kanyang huling puntos sa laro ay naglagay sa talaan sa 93-89, may 52.3 segundo sa orasan.

Nanguna si Terrence Romeo na may 20 points para sa  Beermen, na nakakuha rin ng tig-18 points kina Arwind Santos at CJ Perez at hindi bababa sa 11 points mula kina Mo Tautuaa at Marcio Lassiter.

Sa ikalawang laro ay pormal na pumasok ang TNT Tropang Giga sa quarterfinals makaraang pataubin ang defending champion Barangay Ginebra, 88-67.

Umakyat ang TNT sa 8-1 marka, at ipinalasap sa  Gin Kings ang ikalawang sunod na pagkabigo para mahulog sa 3-5 kartada. CLYDE MARIANO

Iskor:

Unang laro:

Rain or Shine (95) – Santillan 21, Mocon 18, Asistio 11, Nambatac 9, Yap 9, Belga 9, Caracut 7, Torres 4, Norwood 3, Guinto 2, Ponferada 2, Wong 0, Johnson 0, Tolentino 0, Borboran 0.

SMB (93) –  Romeo 20, Santos 18, Perez 18, Tautuaa 13, Lassiter 11, Fajardo 8, Pessumal 3, Ross 2, Zamar 0, Gotladera 0, Com-boy 0, Gamalinda 0, Sena 0.

QS: 16-27, 41-51, 72-69, 93-95

Ikalawang laro:

TNT (88) – M. Williams 27, Castro 14, Rosario 14, Pogoy 13, K. Williams 7, Montalbo 5, Marcelo 4, Erram 2, Exciminiano 2, Reyes 0, Heruela 0, Alejando 0, Javier 0, Mendoza 0.

Ginebra (67)  – J. Aguilar 18, Standhardinger 14, Thompson 13, Pringle 12, Mariano 6, Ayaay 2, Caperal 2, Tenorio 0, Dillinger 0, Salado 0, Tolentino 0, Enriquez 0, R. Aguilar 0, Devance 0.

QS: 20-16, 45-32, 62-52, 88-67

11 thoughts on “WOMEN WRESTLERS TAMPOK SA ‘RISE UP SHAPE UP’ NG PSC”

  1. 345364 347986Nice one, there is truly some great facts on this post some of my subscribers might uncover this beneficial, will send them a link, several thanks. 979753

  2. 767086 47152Aw, this became an incredibly nice post. In thought I would like to devote writing such as this moreover – taking time and actual effort to make a extremely excellent article but exactly what do I say I procrastinate alot and by no means uncover a way to get something completed. 404523

Comments are closed.