WORKFORCE, ISAMA SA PRIORITY NG COVID-19 VACCINE

Ipinapaprayoridad ng isang kongresista sa pamahalaan ang ilang mga empleyado at manggagawa sa bansa para sa vaccination program.

Apela ni TUCP Partylist Representative Raymond Democrito Mendoza sa gobyerno, isama sa first batch ng mababakunahan ng COVID-19 vaccine ang mga target workers o mga piling manggagawa.

Sa listahan ng Department of Health (DOH) nasa ika-11 pwesto ang mga workforce sa priority recipients ng COVID-19 vaccine.

Aniya, nasa recession ang ekonomiya ng bansa at inaasahan ang mabagal na pagbangon bago pa makabalik sa normal ang lahat.

Paliwanag pa ng kongresista, nakadepende rin ang buong bansa sa mga manggagawa para sa muling pagbuhay ng ekonomiya at hindi ito magagawa kung hindi mabibigyan agad ang mga ito ng proteksiyon laban sa sakit.

Inirekomenda ng kongresista na silipin at gayahin ng gobyerno ang vaccination strategy ng Indonesia kung saan isinaprayoridad ni President Joko Widodo ang mga manggagawa sa forefront ng mga tatanggap ng bakuna.

Partikular na ipinasasama ni Mendoza sa mga uunahin sa pagbabakuna ang mga manggagawa o empleyado na nakakasalamuha ng maraming tao. CONDE BATAC

Comments are closed.