World Diabetes Day: Mga benepisyo sa may sakit na diabetes, alamin!

Milyun-milyon ang apektado ng diabetes sa mundo. Marami sa kanila ay nakararanas ng distress o pagkabalisa dahil sa kanilang kundisyon. Ang iba naman ay nanga­ngambang magkaroon ng kumplikasyon, at nahihira­pang maging masaya dahil sa kanilang sakit.

Sa bansa, tinatayang higit 4 milyong Pilipino ang may diabetes at maaaring umabot pa sa 7.5 milyon sa taong 2045. Ilan sa pwedeng ma­ging kumplikasyon ng sakit ay pagkabulag, kidney failure, at amputation ng ilang bahagi ng katawan. Sino nga ba ang hindi mangangamba kapag dinapuan ng diabetes?

Pero worry no more! Kaya nating agapan o i-ma­nage ‘yan. Una, kailangan nating masiguro ang ating malakas na kalusugan. Sa pamamagitan ng PhilHealth Konsultasyong Sulit at Tama o Konsulta, sagot ng PhilHealth ang laboratory test tulad ng fasting blood sugar para ma-monitor ang sugar level sa ating dugo. Mabisang preventive measure ito kung tutuusin. Magkakaroon tayo ng sapat na kaalaman sa ating kalusugan.

Sagot din ng Konsulta ang libreng medical consul­tations sa duktor. Mainam din ito para bantayan ang iba pang sintomas ng diabetes gaya ng palaging pagkagutom at pagkauhaw, madalas na pag-ihi lalo na sa gabi, pagbaba ng timbang, at iba pa. Siyempre, sino pa ba ang makapagbibigay sa atin ng kaalamang pangkalusugan kung ‘di ang mga eksperto?

Sa panghuli, libreng makakakuha ng mga anti-diabetic na gamot tulad ng metformin at gliclazide sa mga Konsulta facilities. Sagot ng PhilHealth ang maintenance ninyo!

Makagagamit ng bene­pisyong aabot sa P20,540 ang mga pasyenteng mako-confine dahil sa diabetes, depende sa kanilang kundisyon. Mas mataas ito ng 30% dahil sa adjustments na inilunsad ng PhilHealth para sa lahat ng All Case Rate packages nito noong Pebrero 1, 2024.

Pangako ni PhilHealth President and CEO Emmanuel R. Ledesma, Jr. na lalo pang pagbubutihin ng Korporasyon ang mga benepisyo nito para sa mga Pilipino. Aniya, “Huwag matakot magpagamot dahil sagot kayo ng PhilHealth!”

ANUNSYO

Dahil maaaring mauwi sa kidney failure ang diabetes, nangangailangan ng hemodialysis ang mga pasyente. Alam niyo ba, simula October 9, 2024 ay P6,000/session na ang benefit package para sa hemodialysis? Ito ay magagamit ng mga pasyenteng may Chronic Kidney Disease Stage 5 (CKD5) sa mga PhilHealth-accredited facilities sa bansa.

Sa kabuuan ay aabot sa P1 milyon ang pwedeng magamit ng CKD5 patients sa pagda-dialysis taun-taon!

BALITANG REHIYON

Ang PhilHealth Region XII ay nagsagawa ng ­PhilHealth Konsulta Caravan at orientation tungkol sa mga ­benepisyo, First Patient Encounter, at Konsultasyon para sa mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology, Ito ay ginanap sa KCC Mall ng Marbel ­Convention Center, City of Koronadal