PARIS, France — Bigo man si Novak Djokovic na mawalis ang Grand Slam ngayong taon ay itinanghal naman siyang season-ending world number one para sa record seventh time nitong Sabado.
Kasalo ng 34-anyos na Serbian sa record na anim si Pete Sampras ngunit kinuha ang solong record nang gapiin si Hubert Hurkacz ng Poland, 3-6, 6-0, 7-6 (7/5), upang umabante sa Paris Masters final.
Pitong linggong nagpahinga si Djokovic makaraang maglaho ang kanyang pangarap na Grand Slam nang talunin ni Daniil Medvedev sa US Open final noong Setyembre.
Gayunman, sinabi ng 20-time Grand Slam champion na ang pangunahing dahilan ng kanyang pagbabalik ngayong linggo ay para selyuhan ang number one spot at burahin ang record.
“It is a dream for me as Pete was my idol when I was a young boy,” sabi ni Djokovic.
“To arrive at this moment is not just my achievement but my team’s. It is wonderful to be in this position.
“I am very proud to finish number one and what a match to do it in. It was so tight right to the last point but I am a very happy man now obviously.
“I am overwhelmed with all the beautiful positive emotions.”