WORLD SCIENCE DAY NG UNESCO TAMPOK SA PSC ‘RISE UP, SHAPE UP’

Celia Kiram

BILANG pagdiriwang sa World Science Day ng UNESCO, magsasagawa ang Philippine Sports Commission (PSC) ng special back-to-back episode ng ‘Rise Up, Shape Up’ tampok ang women coaching at leadership sa Nov. 20-21.

Layon ng PSC na mapaalalahanan ang publiko sa mahalagang papel ng sports science sa lipunan at kung paano ito nakapag-aambag sa human growth at development.

Umaasa si PSC Chairman William Ramirez na ang special episodes ay magbibigay inspirasyon sa publiko para malinang ang kanilang champion mindset at makabuo ng healthy habits para sa paglago at pag-unlad.

Pangungunahan ni MAC’s CrankIt Tennis Academy (MCTA) of Australia founding Director at coach Patricia Puzon ang November 20 episode. Ibabahagi ni Puzon, na siya ring awtor ng librong Becoming a Great Coach, ang kanyang mga karanasan at kaalaman sa coaching sa 10:30 a.m. episode.

Samantala, si coach Henry So, ATPCA International Director for Strength and Conditioning at ATPCA Master Pro Level 3, at National Presenter for Hong Kong ang mangunguna sa Sunday episode.

“Sports excellence and a champion mindset is not just about the physical, but also the emotional and mental wellness of an individual,” sabi ni PSC Commissioner Celia H. Kiram

Ibabahagi ni Comm. Kiram ang inspiring anecdotes nina Puzon at So sa kanyang regular segment na “K-Isport”.

Itatampok din sa special webisode ang three-day virtual 2021 Women’s Leadership Training and Coaching Seminar na isinagawa ng PSC Women in Sports. CLYDE MARIANO