NASA tamang direksiyon si sweet-shooting wingman Matthew Wright, ang lead gun sa second-place showing ng Phoenix Super LPG sa PBA Philippine Cup bubble play elims, para makopo ang kanyang unang PBA major individual plum.
Nangunguna si Wright sa statistical points (SP) race pagkatapos ng elims na may 39.5 per game na kinuha mula sa kanyang outstanding all-around norms na 22.8 points, 5.4 rebounds, 6.0 assists at 1.4 steals.
Pumapangalawa si CJ Perez ng Terrafirma, ang league leading scorer mula pa noong nakaraang season, na may 35.7, kasunod ang isa pang Phoenix player, sa katauhan ni Jason Perkins (35.5), at sina TNT Tropang Giga’s Bobby Ray Parks (35.2) at NorthPort’s Christian Standharding-er (34.6) para sa Magic Five.
Sumusunod sina TNT players Roger Pogoy (34.3) at Jayson Castro (33.6), Ginebra teammates Stanley Pringle (33.3) at Scottie Thompson (33.2), at San Miguel’s Moala Tautuaa (33.0) para kumpletuhin ang Top 10.
Kabilang naman sa third five sina Kiefer Ravena ng NLEX (32.6), Arwind Santos ng SMB (32.4), Paul Lee ng Magnolia (31.7), Chris New-some ng Merslco (31.1), at Vic Manuel ng Alaska (29.9).
Malaki ang agwat ni Wright sa kanyang pinakamalapit na katunggali matapos ang elims. At pinatatag niya ang kanyang standing sa SP race sa pamamagitan ng 32-point explosion upang pangunahan ang Fuel Masters sa 89-88 pag-ungos sa Magnolia Hotshots sa kanilang quarterfinal matchup noong Linggo.
Ang pumapangalawa sa kanyang si Perez ay malabo nang makahabol makaraang masibak ang Terrafirma team nito pagkatapos ng elims.
Kaya ang mahigpit na naglalaban na lamang ngayon ay ang magkasama sa team na sina Wright at Perkins.
Sa rookie race ay bumabandera si top draft pick Roosevelt Adams ngTerrafirma na may 20.3, kasunod sina Meralco’s Aaron Black (18.7), Magnolia’s Aris Dionisio (18.7), Alaska’s Barkley Ebona at Ginebra’s Arvin Tolentino (14.6).
Comments are closed.