MAS matinding bakbakan ang masasaksihan sa unang araw sa finals ng 2018 World Slasher Cup Invitational 9-cock Derby 2 ngayon sa makaysaysayang Smart Araneta Coliseum.
Suportado ng Thunderbird, Petron, Excellence Poultry and Livestock Specialists at media partners tulad ng PitGame Media Inc. ni Manny Berbano, The Journal Group, PILIPINO Mirror, Balita at Tempo, ang mga kalahok na may 2, 2.5, 3, at 3.5 points ang magsasagupa sa 4-cock finals.
Ilan sa mga maagang paborito ay sina Rene Medina ng California, Celso Salazar/Dems Villaverde, Doc Ayong Lorenzo, Biboy Enriquez, Rikki Reyes, Bal Samson, Rey Briones, Patrick Puno, Felix at RC Gatchalian, Jojo Gatlabayan, Boy de Roca at Joey Melendres ng Australia at Jake Zobel.
Ang final round naman ay magsisimula bukas, Sabado, May 12, para sa mga kalahok na may 4, 4.5, at 5 points.
“It’s still anybody’s race for the championship considering the tight contest for the last four days,” ayon kay WSC Debry Office head Dong Lamoste.
Samantala, tatlong entries naman ang nananatiling walang talo na may 5-0 record, dalawa rito ay entries ni defending champion Frank Berin, habang ang isa ay kay sabong idol Patrick Antonio.
Sasagupa rin sa grand finals si Dr. Bel Almojera ng Florida, USA na may 4.5 points, kasama sina Hermie Capuchino, Gov. Kulit Alcala, at Jun Lao/CGV, na may tig-4.5 points din. NEIL A. ALCOBER
Comments are closed.