SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon matapos ang ilang buwang pakikipaglaban sa coronavirus disease (COVID-19) ay dumalaw sa Wuhan si Chinese President Xi Jinping.
Ito ay makaraang maiulat na bumagal na ang pagdami ng kaso ng virus sa lugar na naka-lockdown pa rin matapos na mahawahan ang libo-libong residente.
Sinasabing ang pagbisitang ito ng Pangulo sa lugar ay pagpapakita ng positibong pagtugon ng China sa pandemic.
Araw ng Martes ay naitala ang 80,754 kaso ng virus confirmed sa buong China, 67,760 dito ay mula sa Hubei, ang probinsiya ng Wuhan.
Sa 3,136 nasawi na nakumpirma sa China ay 112 ang mula sa Hubei.
Nitong Lunes ay iniulat ng National Health Commission na 17 bagong kaso lamang ang naitala sa probinsiya.
Comments are closed.