HINIKAYAT ni ACT-CIS Party List Rep. Eric Go Yap, na siya ring Legislative Caretaker ng lone Congressional District ng Benguet, ang mga alkalde o lokal na punong ehekutibo na magbayanihan, magtulungan at magkaisa para sa pag-unlad at sama-samang labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic at ang kahirapan.
Ang panawagan ay ginawa ni Yap nang magtungo sa lalawigan ng Benguet noong Mayo 8, at bisitahin ang ilan sa mga barangay na pinakaapektado ng COVID-19 pandemic.
Sa kanyang pagbisita, pinagkalooban rin ng mambabatas ang mga barangay ng relief goods, sa pamamagitan ng kanyang Mobile Tulong.
Nabatid na ang Mobile Tulong ay isang continuous program ng mambabatas, na ang layunin ay bumisita sa bawat barangay sa lalawigan at maghatid ng tulong at iba pang pangangailangan para sa mga constituents.
“Tuloy tuloy lang ang ating pagtulong at personal tayong nagpunta sa ilang mga barangay sa Tublay, Benguet upang kamustahin din sila, at ipakita sa kanila na hindi sila nag-iisa at kasama nila ang kanilang Caretaker sa pagsubok na ito na dala ng COVID 19”, ani Yap.
Pinulong rin naman ni Yap ang mga alkalde ng Benguet at maging sa gobernador nito at nagbigay ng mahalagang mensahe sa mga ito ngayong nahaharap sa matinding pagsubok ang buong bansa.
“Humarap tayo sa lahat ng Mayors at kay Gov (Governor Diclas), all of them were there at inalam natin ano yung mga problemang kinakaharap nila lalo at sila ang may punong mandato para tumulong sa kanilang mga nasasakupan. Ipinabatid din natin sa kanila yung mga programa natin mula sa national government dahil importante na nakalign ang local at national government upang mas maging effective ang approach natin laban sa COVID – 19 pandemic,” ani Yap.
“Pero isa sa pinakamahalagang mensahe ay yung mensahe ng pagkakaisa. Hindi pwedeng mag kanya kanya dahil siguradong mas mahirap ang problema kung yung LGU lang nila yung iintindihin nila. Halimbawa, maayos yung LGU mo pero yung karatig bayan mo tumataas ng ang kaso ng COVID, eventually magkakaroon din ng spill over yan sa katabing bayan kaya hindi pwedeng sariling bakuran lang ang babantayan. Dito natin makikita yung kahalagahan ng pagkakaroon ng UNITED BENGUET. Pero hindi ito para sa COVID-19 lang. Ang mensahe ko ay dapat maging united kami, lahat ng LGUs, sa paglaban sa kahirapan. Ganun din sa mga programa na makakatulong sa farmers, senior citizens, youth, at iba pa. It is a multi-sector approach to development dahil naniniwala tayo na mas magiging malakas kami kung magkakasama. We are UNITED BENGUET at mainit itong tinanggap ng mga Mayors at ni Governor,” aniya pa.
Nabatid na binisita rin ni Yap ang Benguet General Hospital para personal na ma-check ang kalagayan ng mga frontliners at nag-donate ng ‘high flow oxygen’ para magamit bg pagamutan.
“Nakipag-ugnayan tayo sa pamunuan ng Benguet General Hospital at tinanong natin kung ano pa ang mga kailangan nila. Nagbigay din tayo ng mga PPEs at iba pang pangangailangan nila noong nagsimula ang krisis na ito. Pero itong high flow oxygen yung wala pa talaga sila at isa sa mga mahalaga para maiwasan daw yung mga respiratory failures sa mga pasyente nila,” anang solon. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.