SA PRESS set visit namin sa Kapuso teleseryeng Hindi Ko Kayang Iwan Ka ay napansin namin na malaki ang ipinayat nina Yasmien Kurdi at Jackie Rice.
Puspusan daw kasi ang kanilang taping sa nasabing serye at talagang bigay todo ang ipinamamalas nilang acting sa HKKIWK na siyang gustong mangyari nang kanilang butihing direktor dito na si friendship Neal del Rosario.
Kaya naman hindi kami nagtataka kung bakit consistent sa pagiging top-rated show ng GMA7 ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka na airing tuwing hapon, mula Lunes hanggang Biyernes. And take note, kahit nahihirapan sina Yasmien Kurdi at Jackie Rice sa kani-kanilang eksena ay super happy naman daw sila ‘coz nagkaroon ng extension ang kanilang teleserye. ‘Yun na!
BIGUEL MALALIM NA RAW ANG PINAGSAMAHAN
SA lalim at tagal ng pinagsamahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, kabisado na nila ang hininga ng bawat isa. Sa isang Kapuso Web Specials video, napaka-intimate ng mga sagot nila sa mga nakahandang tanong para sa kanila.
Nang tanungin si Miguel kung saan niya nakikita ang sarili 5 taon mula ngayon, kasama sa nabanggit niya si Bianca. Sinabi ni-tong in 5 years, nakapag-travel na siya sa maraming lugar kasama si Bianca, iba’t ibang role na ang nagampanan niya, at napasaya na rin niya ang kanyang pamilya.
Nakadagdag sa kilig ang hindi mapagbitaw nilang kamay na sa buong video ay kitang-kita na magka-intertwine. Hindi malayong matupad nila ang mga planong ito dahil sa taas ng ratings ng Kambal, Karibal at sa galing ng kanilang performance dito, siguradong mas maraming challenging roles ang ibibigay sa kanila pagkatapos nito.
Comments are closed.