YASMIEN KURDI NIREGALUHAN NG BAGONG KOTSE ANG ASAWA

BONGGA naman magregalo si Yasmien Kurdi dahil isang brand new car lang naman hot shotsang iniregalo niya sa kaarawan ng kanyang husband na si Rey Solde­villa na isang piloto.

Sa araw mismo ng kaarawan ng husband ni Yasmien ay sinorpresa niya si Rey at niyaya sa kanilang garahe. Pagbukas ni Rey sa garahe ay bumulaga sa kanya ang isang brand new red Honda car.

Sigaw ni Yasmien at ng anak nila na si Ayesha ng, “Surprise!” with matching cakes, sabay nilang kinantahan ng happy birthday si Rey. May ribbon pa at saka iniabot ni Yasmien ang susi ng car sa husband.

“I am so grateful I married a man as wonderful as you. Ang suwerte  ko kasi ang pogi mo, mabait, generous at super humble na tao.

“I hope you never change in life, because you are absolutely perfect the way you are. I love you so much! Happy birthday Pangga!” ang caption ni Yasmien sa pinost niyang video sa kanyang IG.

“Wow!” at saka “Nice!” lang ang naging reaksiyon ni Rey sa bonggang birthday gift sa kanya ni Yasmien.

Nagpaabot naman ng kanilang reaksiyon ang mga kaibigan ni Yasmien sa showbiz gaya ni LJ Reyes na nag-comment ng, “Ang tamisss!!!”

“Wow, sosyal!!” ang sabi naman ng close friend nilang mag-asawa na si Rich Asuncion.

Kinaiinggitan nga ng kapwa niyang actress si Yasmien dahil sa ganda ng kanyang showbiz career ay successful pa ang kanyang married life.

RHIAN RAMOS NAGBUNGA ANG PAGIGING MATATAG

ISA sa kinalolokohan ngayon ng mga barakong fans ay ang kagandahan at kaseksihan ni Rhian Ramos. Habang tumatagal sa showbiz ay lalong guma­ganda at sumeseksi ang da­ting controversial actress.

Mabuti na lang naging matatag at hindi nagpatalo o sumuko at nagparamdam ng takot si Rhian sa dating aktor na walang ginawa kundi sirain ang career ng mga baguhan at pasikat na aktres.

Nagtagumpay si Rhian na hindi magpatalo sa pananakot ng damuhong aktor na ngayon ay nasa ibang bansa na lang at bawal nang magpunta sa Pinas.

Anyway, pagdating sa pagmamahal sa kanyang magulang ay hindi magpapatalo si Rhian. Kaya nga mas pinili nito ang dumalo sa 10th wedding anniversary party ng kanyang ama na si Gareth Howell at ng stepmother niyang si Nuan sa Thailand last May 13.

Dapat ay dadalo siya sa world premiere ng movie niyang Trigonal at rarampa sa red carpet ng Cannes Film Festival sa France last Saturday, Mayo 12. Pero dinedma niya ito at sa halip ay binigyang halaga ang wedding anniversary ng kanyang ama sa Thailand.

Samantala, nag-last taping na si Rhian para sa kanilang serye nina Lovi Poe at Max Collin. Wala pa raw siyang ideya kung may kasunod na project na siya pagkatapos ng serye nila sa GMA7.

JANELLA SALVADOR HINULAANG BABAGSAK ANG CAREER    

ASAHAN na ang pagbulusok pababa ng showbiz career ni Janella Salvador dahil hanggang ngayon ay ayaw pa rin nitong “maki­pag-usap” sa kanyang nanay.

Sa tuwing may pelikulang ilalabas sa mga sinehan lumalabas ang balitang nagkasagutan na naman ang mag-ina.

Tila gusto pa yata ng mga nagmamahal kay Janella na gawan ng isyu ang actress para panoorin ang pelikula nitong So Connected.

Ngayon pa lang ay pinauuna na namin na hindi magtatagal sa mga sinehan ang pelikula ng actress at masuwerte nang tumagal ito ng dalawang araw sa mga sinehan.

Ang anak na hindi marunong magmahal sa kanyang nanay ay walang mapapala at walang magandang mangyayari sa buhay.

Sana hangga`t  maaga ay mabuksan ang kaisipan ni Janella na siya ay nagkamali at humingi na ng tawad sa kanyang nanay kung mayroon man siyang nagawang kasalanan.

Comments are closed.